8

488 9 0
                                    

"Kung hindi ka crush ng crush mo"

Nagpupuyat ka sa gabi,
Sa umaga, litrato niya ang iyong katabi,
Umaasang may magmamahal maliban sa sarili,
Nagpapa-gwapo, Nagpapaganda, para may pumansi't bumati,
Chini-check ang cellphone, nagba-baka-sakali
Baka ngayon, sa'yo ay meron nang pumili.

Ilang beses kang sumubok na iwanan siya ng mensahe,
Pero niisang beses, wala siyang sinabi,
Kahit ilang beses kang magpapapansin,
Hindi ka niya lilingunin.

Piso, bente singko,
Kahit ubusin mo lahat ng mumero,
Kung wala ka sakanya,
Wala ka talagang halaga.

"Active Now" status niya,
Pero para sa'yo ba?
Nasubukan mo ba na noong nag-chat ka,
Biglang naging "Active seconds ago" na?

Share ka ng share ng mga patama,
Hindi nga siya natamaan sa'yo, sa mga posts mo pa ba?
Pare, bawasan mo na pagiging tanga,
Hindi porket nag-profile ka ng gwapo ka, mapapansin ka na.
Kung hindi ikaw ang tipo, hindi talaga.
Huwag desperada.

Dasal ka ng dasal sa 11:11,
Tanong ng tanong,
Leave ng leave ng confessions,
Hindi niya naman mababasa, wala ring kwenta.

Ang dami mo nang ginawa para sa kanya,
Pero kahit isa nagpasalamat ba siya?
Na-appreciate niya ba?
Sinaktan ka lang at ikaw naman, patuloy na umaasa.

Tama na,
Huwag ka nang mag facebook pa,
Sayang wifi niyo at data,
Kung bawat kilos at hinga mo ay para naman sa kanya,
Pero lahat ng ginagawa niya sa buhay niya, Para sa iba.

Kung hindi ka crush ng crush mo,
Tanggapin mo na,
Too much hoping isn't fair at all,
Please be wise and choose the right person to fall.

SugatNgMgaTula
6/3/19
10:28pm

Mga Tula Para Sa Pusong WasakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon