9

402 4 0
                                    

"Para sa hindi pa malaya"

Araw ng kalayaan ngayon,
Nais ko lang naman itanong,
Kung nakalaya kana ba sa iyong kahapon,
Oo, araw ng kalayaan ngayon,
Ngunit binabagabag ka parin ng di mo maiwan na pait ng pagkakataon,
At ngayon,
Umabot na sa puntong masaya sila,
Kasi malaya na sila,
Samantalang ikaw,
Nananatiling mag-isa,
Iniisip kung ang lahat ba ng ginawa mo ay sapat naba,
At kahit na,
Ginawa mo na ang lahat,
Kahit kailan ay palagi kang hindi nagiging sapat,
Isa kang kalat.
Yan ang sabi nila,
Kasi wala kang ambag sa inyong pamilya,
Pabigat ka lang,
At napagpasiyahan mong manahimik nalang,
Kasi wala ka naman talagang magagawa,
Kahit gawin mo naman lahat hindi ka parin magiging tama,
Tama na,
Hindi mo na kayang tiisin pa,
At ang pagkamit sa kalayaan ay bigo parin talaga,
At dahil ubos kana at wala ng natira,
Napagpasiyahan mong tapusin na,
At nagkamali ka,
Dahil kahit ang buhay mo'y tinapos mo na,
Hindi ka parin naging malaya,
Dahil ang tunay na malaya,
Ay ang taong lumapit sa liwanag niya,
Hindi ang taong sumusuko basta-basta.

Maligayang araw ng kasarinlan.

SugatNgMgaTula
6/12/19
10:25pm

Mga Tula Para Sa Pusong WasakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon