5

550 5 0
                                    

"SALAMAT KAY MERLAT"

Bubuksan kong muli ang libro ng aking puso,
Pinagmasdan ko ang bawat letra at katagang nakasulat dito,
At pangalan mo'y aking napagmasdan,
Kaya't akin nalang ulit babalikan,
Babalikan ang mga ala-ala,
Ngunit hindi na ang ikaw at ako na dating masaya.

Masaya,
Ang bawat araw kapag kasama kita,
Masaya, kana rin ba sa piling ng iba?
Masaya,
Ang pakiramdam ng magmahal,
Masaya, bang magmahal ng hindi nagtagal?

Ganito ako sayo noon,
Madaling araw na, pero nananatili parin akong gising,
Inaabangan ko kasi yung bulalakaw na tumutupad ng hiling,
Walang sawa akong humihiling sa kanya na tuparin ang hinihiling ko,
Na mapa sa akin na yung babaeng gusto ko,
Yung babae kasi na iyon lagi nalang sinasaktan,
Kaya sana mapasaakin na siya para di na niya 'yon maramdaman,
Sana ang hiling ko ay iyong mapakinggan,
At sana maramdaman na niya ang aking nararamdaman.

Ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na kalangitan ay pawang ikaw,
Tulad ka ng buwan,
Na mawawala din pagdating ng araw,
Yan ay ayaw, kong mangyari,
Kaya ako ay nagsisisi,
Naging makasarili ako,
Sarili ko lang ang iniisip ko,
Puro nalang ako,
Pano naman ikaw?
Ang taas ng tingin ko sa sarili ko,
Halos di na kita matanaw,
Kaya patawad,
Sa pagiging seloso ko,
Patawad,
Sa pagiging makasarili ko,
Patawad,
Sa lahat ng nagawa kong mali sayo,

Sana di nalang kita binitawan pa,
Nagsisisi tuloy ako na napunta kapa sa kanya,
Sana ingatan niya yung nahulog ko na barya,
Pasensya na, di ko kasi nakita ang iyong halaga, kaya ka napunta sa iba.

Isasarado ko na ulit ang libro ng aking puso,
Tapos na akong balikan ang lahat,
Nilinis ko na ang lahat ng aking kalat,
Ito na ang bagong hudyat,
Para magsimula ulit ng bagong aklat.

Mga Tula Para Sa Pusong WasakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon