4

632 9 5
                                    

"IKA-7 FRIENDZONE"

Simple lang ako,
Isang simpleng tao,
Na nagkagusto sa isang katulad mo,
Sa isang katulad mo na simple pero may kakaibang katangian,
Umikot muli yung mundo ko nung makita kita ng biglaan,
Nung una parang wala lang,
Pero habang tumatagal, unti-unti na pala akong nahuhulog nang di ko namamalayan,

Tagumpay ang aking naramdaman,
Nung panahong unang beses kitang nakausap,
Di mapigil ang saya mistulang nasa alapaap,
Sa panahong ito tayo nagsimulang kilalanin ang isa't-isa,
Bawat araw na kausap ka ay unti-unti ring napapalapit sayo,
Unti-unting nasanay na maghintay ng matagal para lang magkausap tayo,
Naghihintay ako,
Palagi,
Alam mo bang simula ng nag usap tayo, ampangit ng mundo ko,
Ang pangit ng mundo ko pag wala ka,
Alam kong corny akong tao,
Sa mga bagay na hilig mo ay hindi ako interesado,
Para tayong magkasalungat kumbaga,
Na kung anong hilig ko ay kabaligtaran ng nais mo,
Nais ko lang naman sanang makilala kapa,
Ngunit ako'y nakakaramdam ng pagkabalisa,
Pakiramdam ko kasi hindi ka interesado na kausap ako,
Na pakiramdam ko ay pinipilit ko nalang yung sarili ko sayo,

Panahon na siguro para malaman mo,
Naaalala mo ba yung babaeng kinukwento ko sayo?
Ikaw yun,
Yung babaeng plano kong ligawan,
Yung babaeng matagal ko ng nagugustuhan,
Oo, totoo, ikaw yun,
Walang halong chinalyn kemerut,
Itong nararamdaman ko para sayo ay truth,
Alam ko naman na hindi mo ako gusto,
Kaya wala akong lakas ng loob para sabihin sayo to,
Kaya idinaan ko na nalang sa pagsulat ng tula,
Ang bawat pagluha,
Na sa tuwing pinaparamdam mo saakin na tayo'y hanggang magkaibigan lang,
Okay lang,
Dahil sa ika-pitong beses na pagkakataon na ako'y na "FRIENDZONE",
Asahan mong hindi nako muling masasaktan,
Dahil ang maging kaibigan ka,
Ay sapat na at hinding hindi matutumbusan.

Heto ang simpleng ako,
Na hindi magugustuhan ng kahit na sino.

Mga Tula Para Sa Pusong WasakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon