10

367 6 0
                                    

'Sa una't huling sayaw'

Matamis ang aking mga ngiti kapag kausap ka,
Abot tenga ang ngiti at hindi na makita ang mata,
Bulag ang aking mga mata,
Sa katotohanang may gusto kang iba,
Pipi ang aking bibig tuwing kaharap ka,
Bingi ang aking tenga,
Sa mga haka-hakang may pagtingin ka sa iba.

Itinuring kang butuin sa libu-libong mga tala,
Ang maging kaibigan ka ay hindi ko hiniling kay Bathala,
Bahala na siya,
Bahala na siyang magsulat ng kuwento nating dalawa,
Ngunit ako ay may buod na,
Ako si Crisostomo Ibarra,
Na may pagtingin sa isang Maria Clara,
Ang lalaking magbibigay sa kanya ng ligaya,
Na ang tanging hangarin lamang ay maisayaw ka,
Haranahin ka,
Sulatan ka ng mga tula kahit hindi mo mabasa,
Pero bilang magkaibigan ay itatago ko nalang muna.

Hinintay ko ang gabi na para sating dalawa,
Ito ang gabing magtatapat ako ng aking nadarama,
Naghanda, nag-ensayo ng mga dapat kong gawin,
Ito ang panahon na kalmado ang hangin,
At tila pati ang kalawakan ay sang-ayon saakin,
Heto na,
Isasayaw na kita,
Wala nang alinlangan pa,
Lakas loob kitang niyaya sa gitna,
Isinayaw at itinuring kong prinsesa,
Sabay sambit ko sayo ng,
'Patawad, gusto kita',
Agad siyang natawa,
'Nagbibiro kaba?'
Sabay sabi kong 'seryoso ako tanga'
At hindi ako nakagalaw ng sabihin mong 'magkaibigan lang tayo diba?'
'Alam mo din naman na may gusto akong iba'
Sabay takbo mo palayo saakin,
At ako, ay naiwan sa gitna,
Tuliro at tulala,
Alam ko naman na ganito pero bakit ako nabigla?

Ang gabing hinintay ay naging panandalian,
Lumamig ang hangin tulad ng ating pagkakaibigan,
Ako ay mistulang kalsada,
At ikaw ay ihahalintulad ko sa mga sasakyan,
Na daraan lamang,
Dahil hindi naman ako ang iyong patutunguhan,
Patawad,
Paalam,
At salamat,
Salamat kay Maria Clara na sa mata ko'y pumukaw,
At salamat,
Sa ating una't huling sayaw.

SugatNgMgaTula
7/22/19
8:35pm

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula Para Sa Pusong WasakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon