1: Pagbabago, pagkagago.

50 1 0
                                    

Pamagat: Pagbabago, pagkagago.

Pagbabago, siyam na letra, isang salita, pero sasabihin ko sayo; ikaw, ako, tayo ay gusto ito, Isang salita pero pagiisipin palang ay napakasarap na.

Sabi nila walang permanente sa mundo, lahat ay nagbabago, pero sa nakikita ko; parang isang papel na nilukot lang at walang nagbago, marami ang nababaliw, nasasabik at naloloka sa salitang ito pero parang isang kisses na transparent lang kung pagmamasdan mo.

Hindi matatakpan ng mamahaling pintura o kaya'y mamahaling kurtina kung sino ang gusto ng pagbabago, pero siya ding nagtataglay ng pagkagago,

Pagbabago ang gusto pero simpleng batas trapiko ay hindi mailagay sa kanyang ulo, sigaw nila'y pagbabago pero sila mismo ay walang ginawa kundi sumigaw, magsunog at pagkatapos ay iwanan ang mga kalat na simbolo ng kanilang pagkagago,

Pana'y ang sisi sa gobyerno pero di marunong tumayo, maglakad at maghanap para magbanat ng buto,
Puro kontra sa ginagawa ng iba pero sila mismo ay di marunong sumunod sa mga simpleng polisiya.

Sasabihin ko sayo, ang pagbabago ay parang paglabas sa isang maze na hindi mo alam kung saan ka tutungo. Mahirap at maproseso. Kailangan magtaglay ng sapat na lakas pisikial lalong lalo na sa mental.

Hindi makakamit ang pagbabago kung lahat tayo ay mananatiling titingin sa nakaraan, hindi ito magiging epektibo kung pare pareho tayong kokontra sa gusto ng gobyerno, dahil alam kong maski sila ay ito ang gusto.

Ngayon, kung isa ka sa sa sumisigaw, nasasabik at nababaliw sa salitang pagbabago. Simulan mo ito sa sarili mo. Simulan mo sa simpleng pagsunod sa mga batas trapiko.

Kung gusto mo ng pagbabago, itigil mo ang pagsigaw nito at simulang gawin sa sarili mo. Hindi ko sinasabing mag-make over ka pero kagaya ng paglalagay mo ng kolorete sa muka mo, ay ang paglalagay mo ng iyong utak at puso sa bawat gagawin mo.

Lahat tayo ay gusto ng pagbabago, pero kung ating pagmamasdan ang iba sa atin ay nagtataglay ng pagkagago kaya kung ako sayo itigil mo ang pagtatagay ng salitang ito at taglayin ang sallitang pagbabago. Pagbabago na magmumula sa sarili mo.

Ito ang tatandaan niyo, hindi makakamit ang pagbabago kung ang mga simpleng batas o polisiya ay babalewalain ninyo. Dahil ang simpeng hakbang tungo sa pagbabago ay pagsunod sa kung ano ang magsasaayos sa mga tong sumisigaw ng salitang ito.

Kaya wag maging gago at simulan sa simpleng pagsunod ang pagkamit ng pagbabago.

100 TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon