Pamagat: Pakiusap
Labing apat
Labing lima
Labing anim
Labing pito
Labing walo
Labing siyamEdad ng mga kabataang maagang namaalam
Pinatay, namatay, nagpakamatay kung paano
Walang nakakaalam.Maagang inagaw ang buhay na hiniram
Hindi na matutupad pa ang mga pangarap na inaasam
Isinilid sa sako, itinabi sa kanto, itinago sa publiko kung sino ang may gawa walang may alam
Sa mga nakatatandang aming hinahangaan
Nakikiusap kaming gawing payapa ang ating bayan
Gawing makinang ang Perlas ng silangan
Gawing maganda ang bayan na aking sinilangan.
[Sinukat ko to nung panahon ng patayan lalonna sa kabataan at mga mahihirap. September 14, 2017]
BINABASA MO ANG
100 Tula
PoetryLahat ng tulang nakapaloob dito ay akin pong nilikha. Kung sakali po sanang gagamitin ninyo ay ipagbigay alam ninyo. Maraming salamat!