Pamagat: Vangieeeeee Ma'am Vangiieeeeeee
Minsan may nakapagsabi sa akin bago ako mapunta sa posisyong 'to
Sabi niya "Ang pinuno ay isang modelo ng kabutihan, hindi mandaraya, handang magdusa para lang maiangat ang mga nasasakupan niya."
"Handang ilagay ang talim ng patalim sa kanyang mga palad para lang ang mga nasa likod niya ay makausad"
Pinaniwalaan ko lahat ng salitang yun at sinunod kaya ayon tumakbo ako at ngayon ay nagbubuhat
Nung nakita ko siyang muli, binati niya ako't kinamusta sabay sabing "Tandaan mo na ang mabuting pinuno ay patas at kung kumilos ay pataas at lahat ng nasa likod niya ay itataas"
"Ilagay mo sa isip mo na ang tunay na pinuno, lahat pinakikinggan walang kinikilingan lahat ng nasa likod ay binabahagian ng kaalaman o ng kung anumang dapat nilang matanggap dahil ang tunay na pinuno ay ang taong maglalagay sa iba sa alapaap kahit na siya ay nakakaranas ng hirap"
Pinaniwalaan ko lahat ng salitang yun at sinunod kaya ayon tumakbo ako at ngayon ay nagbubuhat
Nakita kong muli siya hindi niya na ako kinamusta at sinabi niya nalang bigla na "Wala kang karapatang tawagin na lider ang sarili mo kung ang tingin mo sa mga taong hawak mo ay bulok, dahil ang totoo ay ikaw ang bulok dahil masahol ka pa sa eskinitang ang amoy ay nakakasulasok, bulok!"
Pinaniwalaan ko lahat ng salitang yun at sinunod kaya ayon tumakbo ako at ngayon ay nagbubuhat
Pagtapos ng araw nayun hindi ko na siya muling nakita, o kaya nakasalubong pero bigla nalang akong nakarinig ng isang boses sa aking isipan at nagsasabing " Malinis hangarin, hindi mandaraya ,hindi manlalamang, lahat pakikinggan, hindi manunuhol o tatanggap ng suhol, hindi ka hari ikaw ay pinuno"
Pagtapos non tumingin ako sa langit tapos nakita ko yung sinag ng araw na nakahelera sa mga tao tapos narinig ko uli siya sa likod sabi niya " Isang mabuting pinuno na may bukal na puso ay epektibo at ang hatid ay pagbabago sa mundo"
Pinaniwalaan ko lahat ng salitang yun at sinunod kaya eto ako, magaaral at mangangaral. Tutulong sa pagbuhat. Gagawa ng solusyon, hahanap ng aksyon. Magiging boses ng nasa likod ng prosisyon.
BINABASA MO ANG
100 Tula
PoesíaLahat ng tulang nakapaloob dito ay akin pong nilikha. Kung sakali po sanang gagamitin ninyo ay ipagbigay alam ninyo. Maraming salamat!