"Bulaga!"
"Ahh!"
Agad kong sinapak si Mike dahil sa pang-gugulat niya.
"Papatayin mo ba ako sa gulat?!"
Humagalpak naman siya ng tawa.
"HAHAHAHAHA.... nothing change magugulatin ka parin! BWAHAHA"
Sinapak ko naman siya ulit. "Gago!"
"Pffttt... Easy lang Shane.. HAHAHA"
Inirapan ko lang siya at umalis sa pagkakaupo sa ilalim ng puno.
"Hoy, Shane! Saan ka pupunta?!"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bigla niyang hinigit yung kamay ko at niyakap niya ako. I was stunned, for the first time biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Nakaramdam ako ng mga nagsisiliparang paru-paro sa tiyan ko. Para akong kinukuryente sa yakap niya and I felt safe with his arms.
Agad ko siyang tinulak at tumakbo papalayo sa kanya. Am I falling for him? No... T-This c-can't be... He's my bestfriend for pete's sake! I don't want to ruin our friendship just because of this goddamn feelings of mine. And besides he already had a girlfriend.... which is also my bestfriend.... I'm s-scared... Natatakot ako na mahulog sa kanya because I know he won't catch me.
"Shane! Where's Mike?"
"I d-don't know."
"Magkasama kayo kanina diba?"
Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Mike. Mabilis kong iniwas yung tingin ko sa kanya at umub-ob sa mesa.
"Saan ka galing, hon?" I heard Mika asked.
"Comfort Room."
Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko and I found nothing.
Damn! Mukhang nahulog yata kanina. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilagpasan sila. Narinig ko pang tinanong ni Mika si Mike kung anong nangyari sakin.
Muli kong binalikan yung puno na inupuan ko kanina at natagpuan ko dun yung cellphone ko. Buti nalang at walang kumuha nito.
Muli akong bumalik sa classroom at aksidenteng nakita ko silang naghahalikan. Napasapo ako sa dibdib ko ng maramdamang sumakit ito. Parang tinutusok ng ilang karayom yung puso ko. It feels like my heart broke into pieces. Tangina, ilang beses ko na silang nakitang naghahalikan pero ngayon lang ako nasaktan ng sobra. Tears slid down to my cheeks. Hinawakan ko ito at naramdamang basa yung pisnge ko.
There's so many questions in my head. Questions that even myself can't answer it.
'Why am I crying?'
'Ba't ako nasasaktan ng ganito?'
'Mahal ko na ba siya?'I wiped my tears at pumasok sa room.
"Hoy! Itigil niyo na yan! Room 'to hindi motel!"
Mabilis naman silang naghiwalay at hinawakan yung kamay ng isa't isa.
'Oo na! Wag niyo ng ipagmukha sakin na mahal niyo yung isa't isa! Nakakasakit kasi eh!'
"Oo na! Kayo na! Tangina, respeto naman sa single oh!"
Tumawa naman silang dalawa. Inirapan ko lang sila at umupo sa upuan ko.
"Jowain mo kasi si Eric, Shane."
"Eww! Ano ako cheap? Ako talaga yung manliligaw? Wag na!"
Humagalpak naman ng tawa si Mike. Inirapan ko lang siya at di na pinansin pa. His laugh is a music to my ears. Damn! Nababaliw na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Astxriism's One-Shot Collection
RandomDifferent kinds of one-shot stories. Enjoy Reading!