"Harry! Paki-kuha naman ng papel ko, please?""Your wish is my command, Princess." tugon nito at kumindat. Inirapan ko lang siya at palihim na ngumiti. Kinikilig ako e ba't ba!
H'wag kang ganyan, Harry! Marupok ako! Enebe!
Kinuha ko 'yung papel na inabot niya at tinuloy ang pag sagot sa assignment namin.
Harry and I are chilhood best friends. Magkaibigan 'yung mga magulang namin kaya close talaga kami sa isa't-isa.
Inis akong umupo sa upuan ko at napahilamos ng mukha.
Bakit kase ngayon pa kami nakulangan ng miyembro kung kailan report na namin! Ugh!
"Ayos ka lang, Resse?"
Sinamaan ko ng tingin si Harry na nasa harapan ko. "Ano sa tingin mo?"
Binuksan ko 'yung bag ko at hinanap 'yung water bottle ko. Mas lalong uminit 'yung ulo ko ng makitang wala ito sa bag ko. Kung kailan inuuhaw ako do'n pa talaga wala! Bakit ba ang malas malas ko?
"Bakit naka-simangot ka d'yan?"
"Wala akong dalang tubig, pot—"
"Don't cussed. Hindi maganda sa babae 'yan. Bibilhan nalang kita."
Nagniningning 'yung mata ko nang marinig ko 'yun galing sa kan'ya. Akala ko puro kamalasan lang 'yung mangyayari sa 'kin ngayong araw e.
"Talaga?" tumango siya at ngumiti. Swerte ko talaga sa kaibigan ko!
Kumuha ako ng 20php sa wallet ko at inabot sa kan'ya. "Isang water at limang candy. Thanks Harry!"
"Your wish is my command, Princess."
Inirapan ko lang siya at hindi pinahalatang kinikilig ako. 'Yan na naman siya sa princess princess na 'yan.
Kumunot 'yung noo ko nang matanaw si Kisha at Harry sa labas ng room namin na nagtatawanan.
Kailan pa sila naging close? At may pahampas-hampas pa talaga si Kisha sa braso ni Harry! At aba! Parang nasasayahan pa ang gago!
Sinukbit ko 'yung bag ko sa balikat ko at nagmartsa palabas ng room. Diretso akong naglakad at hindi pinansin si Harry na busy sa pakikipag-landian kay Kisha. Bahala siya!
"Resse! Teka lang! Hintayin mo naman ako!" Hindi ko pinansin 'yung sigaw niya at nagpatuloy sa paglalakad. Naiinis ako! Tangina!
Hinigit niya 'yung kamay ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Inis ko siyang hinarap.
"Ano ba?!"
"Bakit ka ba ganyan! Bakit mo 'ko iniwan do'n?!"
Umiwas ako ng tingin at binawi 'yung kamay ko na hawak niya. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang 'to naramdaman.
"Resse! Answer me!"
"Bakit? Nanligaw ka ba para sagutin kita?" Pilosopo kong sagot. Sana nga nanligaw ka na lang. No! What are you thinking Resse!?
Nagsalubong 'yung kilay niya dahil sa sagot ko. Ayaw na ayaw pala niya na pinipilosopo siya.
"H'wag mo 'kong pipilosopohin, Resse." seryoso niyang sambit.
"Naiinis ako! Naiinis ako sa inyo ni Kisha! Naiinis ako na nagtatawanan kayong dalawa!" sigaw ko sakto lang na marinig niya.
Lumambot 'yung mukha niya. "W..What? Bakit ka naiinis?"
"Ka—Ka... Kasi.." gusto ko akong lang 'yung nagpapatawa sa 'yo. "dapat ako lang 'yung ka...kaibigan mong babae."
Yumuko ako at pasimpleng pinahiran 'yung luha ko. Damn, nahuhulog na ata ako sa kaibigan ko.
"What do you want me to do then?" Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
Kinagat ko muna 'yung pang-ibaba kong labi bago siya sinagot. "A..Avoid her." for me.
Lumapit siya sa 'kin at niyapos ako. "Your wish is my command, Princess."
Pag nahulog ako sa 'yo, please, saluhin mo 'ko.
"Harry,"
"Hm?"
"Bakit palagi mong sinasabing, Your wish is my command?" tanong ko sa kan'ya na may bahid na kuryosidad ang boses.
Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Umiwas ako ng tingin dahil alam kong namumula na 'yung buong mukha ko.
Ba't kase gan'yan 'yung ngiti niya!
Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Gusto ko lang tratuhin ka na parang prinsesa."
Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Ang sarap lang sa pakiramdam.
Iniwas ko 'yung paningin sa kan'ya at napakagat sa ibabang labi. Siguro ito na ang tamang oras para umamin. Ito nga ba? Pero wala namang masama kung susubukan ko diba?
"Harry,"
"Hm?"
I closed my eyes. "I love you." After I said those three words ay minulat ko 'yung mata ko.
I saw how his face changed. "R..Resse."
"Please, l..love me ba—ba..back." halos pabulong kong sabi.
Tumayo siya. "Your wish is..." please. Please, love me back, Harry.
Tiningnan niya ako at ngumiti ng malungkot. "not my command."
Nanubig 'yung mata ko at parang may bumara sa lalamunan ko. Para akong nabingi dahil sa sinabi niya.
Umiling siya at tinalikuran ako.
Your wish is not my command.
Your wish is not my command.
Your wish is not my command.
Your wish is not my command.
Your wish is not my command.
Tanga mo kase, Resse. Alam mo namang kaibigan ka lang niya diba? Tangina.
Tumawa lang ako ng mapakla habang patuloy na umaaagos 'yung luha ko. Nawala ata 'yung kalahating puso ko.
BINABASA MO ANG
Astxriism's One-Shot Collection
RandomDifferent kinds of one-shot stories. Enjoy Reading!