PAGOD NA PAGOD

32 1 0
                                    


"Ashley! Hindi ka ba sasama sa 'min?"

Liningon ko sila at umiling. I smiled, "Kayo nalang. May gagawin pa ako eh," ani ko at tuluyang lumabas ng room.

I sighed at hinawakan ng mahigpit' yung sling ng bag ko. Linibot ko ang paningin ko sa buong paaralan. This is not new for me. Hindi na bago sa 'kin' 'yung uuwi na mag-isa.

Nasanay na ako palaging mag-isa simula no' ng iniwan niya ako, charot lang. Wala talaga akong naging jowa sadyang trip ko lang talagang maghugot pero kung liligawan ako ni crush why not 'di ba? charot. May jowa na pala 'yun, hays.

Speaking of crush, nasa kabilang kalsada pala siya kasama 'yung jowa niyang bubuyog. Nagsusubuan pa sila ng kwek-kwek. Tinasaan ko ng kilay si Kyle nang tumingin ito sa gawi ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mas maganda naman ako kaysa sa kasama niyang bubuyog at mas maganda 'yung ugali ko.

'Wag munang isipin 'yun Ashley okay? Ihanda mo nalang 'yung sarili mo sa pag-uwi mo. Hoo! Kaya mo 'yan!

Nang makapasok ako sa bahay namin ay agad dumampi ang isang bagay sa pisnge ko. Napapikit ako at dinamdam 'yung sakit.

"Saan ka naman galing bata ka?! Alas sais na ng gabi at kung saan saan ka pa naglalakwatsa! May jowa ka siguro ano?!"

Umiling-iling ako, "W-Wala po. W-Wala po akong j-jowa,"

Napa-upo ako sa sahig nang sinabunutan niya ako. Tahimik akong napahikbi dahil sa sakit.

"M-Ma, t-tama na po. M-Masakit m-ma," pigil ko sa kan'ya pero hindi siya nakinig at pinagpatuloy ang pagsabunot sa 'kin. Hindi pa siya na kuntento at paulit-ulit akong sinampal.

"Masakita talaga! Puro ka lakwatsa wala ka man lang naitulong dito sa bahay! Malandi ka! Walang silbi! Bobo!" aniya at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Halos lahat ng masasakit na salita ay nasabi niya na 'ata. Palagi na lang ganito. Palagi na lang niya akong sinasaktan at pinagbabato ng masasakit na salita.

Minsan nga naisip ko kung ampon lang ba ako dahil kahit kailan ay hindi niya ako tinuring na anak. Kung nandito lang sana si papa maiipagtanggol niya ako ngayon. Kaso wala na si papa........ patay na si papa.

Kaya nga minsan naisip ko na lang na hindi umuwi dito sa bahay, nakakapagod kasi.

"Ano?! Iiyak ka nalang ba d'yan?! Magsalita ka!" sigaw niya.

Tumayo ako at tinapangan 'yung sarili ko para harapin siya. Pagod na pagod na ako.

"Palagi nalang bang ganito ma?! Bakit ba kahit kailan hindi niyo man lang ako tinuring na anak?! Ginawa ko naman lahat! Naging top ako sa klase pero b-bakit gan'on? Bakit parang k-kulang pa rin? Kailan niyo ba makikita 'yung h-halaga ko? Pag patay na a-ako?"

Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako. Umiling-iling ako habang mahigpit na nakakapit sa lamesa na nasa gilid ko para gawing suporta. Parang anytime babagsak na kasi ako.

"Pagod na pagod na ako, ma. P-Pagod na p-pagod," mahina kong sabi at humagulgol.

Binuksan ko 'yung pintuan at tumakbo palabas.

Astxriism's One-Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon