"Ma! Punta lang po ako sa tindahan! Bibili ng napkin!" sigaw ko. Nasa loob kase ng kusina si Mama habang ako naman ay nasa bakod ng aming bahay.Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama at agad nagtungo sa tindahan ni Aling Inday.
"Aling Inday! Pabili po ng isang napkin! 'Yung Whisper po sana!" sigaw ko.
Wala namang ibang tao dito sa tindahan ni Aling Inday kaya malaya lang akong makasigaw.
Nanlaki 'yung mata ko ng si Whisk 'yung nag-abot sa 'kin ng napkin. N-Nakakahiya!
Inabot ko 'yung bayad sa kan'ya at agad tumalikod. Sobrang pula na 'ata ng buong mukha ko.
Akmang aalis na ako ng bigla siyang nagsalita. "May napkin palang bumubulong?"
Kinagat ko 'yung pang-ibaba kong labi para pigilan ang pagtawa. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kan'ya.
"Oo," linapit ko 'yung bibig ko sa tenga niya, "Mahal Kita," ani ko at kinindatan siya.
" 'Yan ang napkin na bumubulong," dagdag ko pa.
Napabusangot ako nang ngumiwi siya at hindi man lang kinilig.
"So napkin ka? tsk! Kalokohan,"
Nako! Kung hindi lang talaga kita krass sinapak na kita, grr!
"Oo, napkin ako. Kasi 'yung puso ko nagdudurugo dahil sa pagmamahal ko para sa 'yo." banat ko.
Tiningnan niya lang ako ng malamig at sinirado 'yung tindahan nila.
Aba't! Ang sunget! May dalaw ka pre? May dalawa ka? Grrr!
Bumalik ako sa bahay na may busangot na mukha. Naiinis ako! Hindi man lang kinilig sa mga banat ko! Hindi ba siya marunong kiligin? Kahit napipilitang kilig lang.
Hindi na ako naligo at nagpalit lang ng napkin. Sabi ni Mama bawal daw kasi 'yun. Ewan ko lang kung bakit.
"Ma! Alis muna ako! Pupunta lang po ako sa malapit na park dito sa 'tin!"
"Balik ka agad!"
"Opo!"
Kinuha ko 'yung jacket sa upuan at sinuot. Incase lang matagusan ako.
Pagkarating ko sa park ay agad akong umupo sa ilalim ng kahoy. Mabuti na lang talaga at konti lang 'yung tao dito. Mas makakapag-relax ako.
Liningon ko 'yung mag jowa na naghaharotan sa isang bench.
Harot-harotan pa maghihiwalay din naman! Walang poreber!
Nanlaki 'yung mata ko nang makita ko 'yung mukha ng lalaki. Si W-Whisk.
May jowa na pala siya? Kaya pala hindi siya kinikilig sa mga banat ko. Punyeta. Asang-asa pa naman ako na maging kami.
Inis akong tumayo at linapitan silang dalawa ng girlfriend niyang mukhang clown dahil sa sobrang kapal ng make-up.
Tiningnan niya lang ako at binalik ulit 'yung atensyon sa kasama niya.
"Akala ko ba ako lang? Whisk naman, 'wag mo naman akong gawing tanga!" ani ko at pinunasan 'yung kunwareng luha ko.
Tumaas 'yung isang kilay ng girlfriend niya, "Excuse me miss? Who are you?"
"I'm his girlfriend!" ani ko at tinuro si Whisk.
"What? Girlfriend? Are you crazy? Ako 'yung girlfriend niya!" naiinis na sigaw ni ate girl.
"Ako! Ako 'yung unang girlfriend niya! Kabit ka lang!" sigaw ko kay ate girl.
Tumayo si Whisk at hinila ako malayo kay ate girl. Inis akong tiningnan ni Whisk.
"What are you doing? May balak ka bang paghiwalayin kaming dalawa?" mahina niyang sigaw.
Yumuko ako, "Biro lang naman 'yun e."
"Biro? Well, hindi nakakatawa!"
"Gusto kita, Whisk. Matagal na." pag-aamin ko. Sinalubong ko 'yung tingin niya, "Hindi mo ba nakikita 'yun?"
"I don't like you." diretso niyang sagot.
Aray ha.
"Lubayan mo na ako. Si Hera 'yung mahal ko at hindi ikaw 'yun." dagdag pa niya.
Kinagat ko 'yung pang-ibaba kong labi, ang sakit palang ma-reject 'no?
"Ako 'yung napkin at 'yung utak ko 'yung whisper, dahil kahit na nagdudurugo 'yung puso ko patuloy pa ring bumubulong 'yung utak ko na mahal kita at laban pa." I said and bitterly smiled.
I left him there, dumbfounded.
BINABASA MO ANG
Astxriism's One-Shot Collection
RandomDifferent kinds of one-shot stories. Enjoy Reading!