Tahimik lamang akong naglalakad sa corridor at tanging takong lamang ng aking sapatos ang nagbibigay ingay. I took a glance on my wrist watch. I wonder where are the other students. Minsan sa ganitong oras marami ng estudyante. Nakakapagtaka lang at wala pa sila ngayon.Pumasok ako sa classroom at linagay ang bag sa aking upuan. My forehead creased because of confusion. My classmates' bags are here.
Mabilis na bumaling ang tingin ko kay Avi na kakapasok lang. She's catching her breath, sweating and panting in fear. Tumatagaktak din 'yung pawis niya galing sa noo.
"Hey, are you okay?" Tumango lamang siya at hindi nagsalita. Mabilis niyang kinuha 'yung bag niya sa tabi ko at akmang lalabas na but I grabbed her wrist to stop her from leaving. "Namumutla ka. Ayos ka lang ba talaga?"
"O-Oo…"
I knew it something was wrong.
"Where are the others?"
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Nasa ground. Lahat ng estudyante ay nando'n." Tumango-tango ako. So kaya pala.
"Puwede mo ba akong samahan sa kanila?" I asked. Nag-aalinlangan siyang tumango. I smiled at her. "Mauna ka muna sa labas. May kukunin lang ako sa bag ko." Tumango siya at lumabas na.
Kinuha ko 'yung cellphone ko sa bag at sinundan siya sa labas. I look at her wrist. May kulang.
"Where's your bracelet?" Nagtatakang tanong ko. Palagi niya kasing suot 'yung bracelet niyang violet at ngayon lang niya 'ata hiniwalay 'yon sa kan'ya.
"Nasa bulsa. Naputol kasi dahil sa pagmamadali ko," sagot niya. I nodded.
Halos malula ako sa dami ng estudyanteng nagkukumpulan sa ground. Mabilis akong sumiksik para makita kung ano 'yung pinagkakaguluhan nila. Sumunod din naman sa 'kin si Avi. Napatakip ako sa sariling kong bibig sa nadatnan. Si Veira! She was covered with blood. May hiwa siya sa kan'yang pisnge at kalmot sa braso. May saksak sa bandang tiyan at puso.
"Oh my ghad!"
"Gosh! Nakakatakot naman."
"Sino kayang pumatay sa kan'ya?""Excuse us, please." Tumabi 'yung mga estudyante at binigyan ng espayo para makadaan 'yung mga pulis at ang Principal namin.
"Who did this?!" sigaw ni Principal Avrey but no one answered.
"Si Kiara po! Siya 'yung huli kong nakita na kasama ni Veira bago siya namatay. You killed her, bitch!"
Nanlaki 'yung mata ni Kiara. "What? Me? No! Bakit ko naman siya papatayin?!"
"Because your insecure! Alam naman nating lahat na dati ka pa naiinggit sa kan'ya!"
"Yes, I may be insecure but I don't kill people. Like duh? Hindi ako mamamatay tao 'no!"
I raised my hand. "I know who killed her." Tumingin silang lahat sa 'kin. Lahat sila ay nakaabang sa idudugtong ko. "Si Avi, she's the killer."
Nanlaki 'yung mata ni Avi at paulit-ulit na umiling. Nagsimulang tumulo 'yung luha niya.
"Kanina, dumating siya sa room namin na parang may humahabol sa kan'ya. Para din siyang may pinagtataguan. Namumutla siya dahil natakot siya sa ginawa niya." Humakbang ako at tinuro 'yung kalmot sa braso ng biktima. "Kinalmot niya si Veira sa braso at mahigpit namang hinawakan ni Veira 'yung pulsuhan niya dahilan para maputol 'yung bracelet niya."
Lumapit ako sa katawan ng biktima at binuksan ang palad nito. May isang violet pearl na katulad ng sa bracelet niya. Nanginginig na siya ngayon sa takot.
Kinapkap ng katabi niya 'yung bulsa ng skirt niya at linabas ang bracelet niya. Magkaparehong-magkapareho. I smirked.
I sniffed Veira's perfume at pumunta sa likod ni Avi, I also sniffed hers. Sininghot ko din 'yung perfume niya sa harap.
"Dahil sa pagmamadali niya ay 'yung harapan niya lang 'yung natabunan niya ng bagong perfume at hindi nasali 'yung likod."
"N-No! I d-didn't kill her!" Pagtatanggol niya sa kan'yang sarili but no one believes her.
"Pinatay mo siya dahil naiinggit ka sa kan'ya. Palaging siya 'yung nanalo sa Quiz bee at pangalawa ka lang. Siya palagi 'yung nilalaban sa ibang paaralan. Kaya you killed her para maging ikaw naman." Tumalikod na ako at naglakad palayo.
I smirked. Well played, Cam.
Kinuha ko 'yung maliit na perfume sa bulsa ko at tinapon sa basurahan. Inispray ko 'to kanina kay Avi habang nakatalikod siya sa labas ng room. Kinuha ko din 'yung bracelet na katulad nung kay Avi at tinapon din. Mabuti na lang at madali lang hanapin 'yung bracelet na katulad nung nay Avi.
Pa-epal kasi masyado si Veira. Lahat nalang kinuha sa 'kin. Palagi nalang siya 'yung bida. She's my cousin pero sa paningin ni Mommy parang siya pa 'yung totoong anak. No one knows na magpinsan kami and that's a good thing.
Yes, I was the one who killed her. I'm the killer.
BINABASA MO ANG
Astxriism's One-Shot Collection
RandomDifferent kinds of one-shot stories. Enjoy Reading!