Chapter 3

387 12 10
                                    

Chapter 3

Natulala ako sa bulto ng katawan niya habang papasok sa kwrto niya. Ginalit ko  na nga siya. Nagbanta tuloy. Pano na yan?

Nagsimula na akong umakyat sa hagdanan ng harangin ako nila Rhain,Zyrus at yung kambal na hapon. Gulat akong tumingin sa kanila.


"Ah... May kailangan po ba kayo mga Sir?" Tanong ko sa kanila.

"Wala naman Snow." Zyrus.

"San ka ba pupunta Snow?" Tanong ni Yoshi.

"Magpapalit na sana ako ng damit. " sagot sa kanila. Ngumisi naman silang lahat. Ngising aso.Nailang ako sa ngising ginawa nila.

"Ah! Kung wala naman kayong iuutos,magbibihis na po ako." Tumango sila. Nagumpisa na akong umakyata sa hagdanan. Mabilis akong kumuha ng damit at ini-ready sa kama ko. Dumiretso ako sa banyo at mabilis na naligo.

Saktong matapos kong magbihis ay lalabas na sana  ako. Pero nakarinig ako ng maingaya sa labas mismo ng kwarto ko. Para sioang nagtatalo. Sino yung mga yun?

Akmango bubuksan ko na ang doorknob ng pinto ng may taong nagtulak ng cellphone  papasok sa kwarto ko. Sa pinakailalim na siwang ng pinto.

Kulay pink ang case ng cellphone. Nakapatalikod ito. Sa akin nakaharap ang kamera. Dinampot ko ito at tiningnan maigi. Nakavideo ito. Shemayy! May balak pa yatang mamboso sa akin?

E, sino?

Malamang isa sa pitong kumag yon!!

Buti na lang tapos na akong magbihis. Kung hindi ay nabosohan na ako! Bwiset!

Inis kong pinihit ang doorknob. Bumungad sa akin ang limang kumag na gulat na gulat ang hitsura. Sinasabi ko na nga ba!


Itinaas ko ang cellphone at pinakita sa kanila. Binigyan ko sila ng nagtatanong na titig. Mga manyakol!

Walang makatingin sa akin ng diretso sa mata. Lahat sila nakatungo. Yung kambal may pakamot-kamot pa sa ulo. Ano?! Bigla kayong nagkakakuto?!

"Wala bang magpapaliwanag sa kin nito?" Pinipilit kong maging mahinahon. Ngumiti pa ako sa kanila ng pagkatamis-tamis.

Ganon pa rin walang nagbago. Lahat sila nakatungo.

"Ano to?" Tanong ko ulit.

"A-ah! Snow! Ganda ng phone mo ah...color pink." Sige Rhain lusot pa. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Makuha kayo sa tingin mga letse!

"Hindi sa akin to!" Nawala na ang pagkamahinahon ko. "Wala akong selpon pwede ba!? Hindi ko rin paborito ang kulay na pink-----!!"

"Hala ang ganda kaya ng pink!" Inis kong binalingan si Jyn. Peste ka!

"Wala akong pake! Sinong may pakana nito?!" Inis na tanong ko. Nagkatinginan silang lahat. Takot din ang hitsura nila. Ngayon pa lang ako nakasigaw ng ganito.

"SINO?!"

"Si RHAIN!" Sagot ni Jyn. Napakamot naman si Rhain. Tiningnan ko siya. Pero agad niyang iniwas ang paningin niya sa akin at galit na bumaling kay Jyn.

"H-hoy! Anong ako!? Baka ikaw! Tingnan mo! Sayong cellphone yan oh! Kulay pink! Favorite mo ang kulay pink!" Napatingin ako kay Jyn. May point kase si Rhain.

"H-hindi ako yun Snow! Si Rhain pinakamanyak sa lahat! Punong-puno ang storage niya  ng porn kaya cellphone ko ang ginamit niya!" Inis ko ilang binalingan si Rhain.

"Sino ba talaga?" Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. Pumihit ako patalikod at nakita ko ang walang emosyong si ICE....

"Sabihin niyo na dahil kanina pa kayo maingay! Naiirita na ako sa bunganga nito babae na 'to!" Napapikit pa ako sa pagsigaw niya.

"Si Rhain talaga Ice!" Sabay-sabay na sabi ng apat. Napakamot ng batok si Rhain.

"Tsk! Oo ako nga yon! Akala mo 'tong mga to hindi gusto na makita katawan ni Snow eh! Hoy ! Pare-pareho lang tayong manyak mas malala lang yung saken! Mga peste to!"

Humarao siya sa akin at hindi man lang bumaba ang kilay kong kanian pa nakataas.

Akmang baba siya ng hagdan ng hatakan ko yung damit niya.

"At san ka pupunta!?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Baba!"

"Abat pilosopo ka pa ah!? Hindi ka man lang ba mag-sosorry?"

"Sayo? Bakit pa?" Ugh! Nabubuwisit na ako.

"Bobosohan mo ako tapos di ka magsosorry? Bakit ganiyan ka?"

"Tsk! Waka kang pake!" Sabi niya at umalis na. Hindi ko na siya hinabol pa. Hindi ko pa nararanasan ang ganito sa buong buhay ko!

"S-sorry Snow."

"Sorry Snow"

"Im sorry Snow."

"Snow,"

"Oh?! Ano?!" Inis na baling ko kay Jyn.

"Yung phone ko" turo niya sa selpong hawak ko. Padabog ko naman binigay sa kaniya. "Thanks and sorry"

Nakita kong iiling-iling si Ice sa akin.

"Ikaw!?"

"Anong ako?!"

"Bat andyan ka pa?!" Inis na tanong ko.

"Mansyon namin to. Isa pa,ito lang ang kwarto ko." Sabi niya sabay turo sa kwartong katabi ng sa akin. Kaniy yon?! Peste kaya pala naingayan siya sa akin. Shemayy!

"S-sige." Napapahiya kong sabi at bumaba na. Dumiretso akong kusina.

Magluluto na akong hapunan nila. Inilalabas ko na ang mga sangkap na gagamitin ko ng may mga yabag akong narinig papalapit sa akin.

Lumingon ako at nakita ko si Timothy.

Nginitian ko siya. Pero di siya ngumiti. Ay!? Galit?

Nakatingin lang siya sa akin. As in titig! Nailang ako kaya tinanong ko siya.

"Ah.. May kailangan ka ba?"

"Yeah,kukuha sana akong tubig diyan sa ref" sabi niya nguso sa ref. Hindi pala ako ang tinititigan niya yung ref pala!

"S-sorry sige kuha ka na." Umalis ako at hinugasan na lang sangkap na gagamitin ko.

"Sa kaninang sinabi ni Ice nga pala..." Napalingon ako sa kaniya. "Wag kang mag-alala, ako naman ang magiging dahilan kung bakit magtatagal ka rito." Sabi niya at kinindatan ako.

Nang makaalis siya ay hindi ko mapigilang tumili. Mahina lang naman hehehe...

Shemayyy!

Yung dugo ko umakyat yata pataas at pulang-pulang ako!

----------------

Vote ,comment and share!

Follow me @ShamilleGarrido9

SNOW WHITE AND THE SEVEN MONSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon