Chapter 2
#REPLYBOXPOLICY
MATAPOS sabihin ng hambog na si Ice yon ay nagpanting ang tenga ko. Ako? Mangingisay kapag nakita siyang naghuhubad ng shirt? Bakit may abs ba siya? Mukha namang TABS lang meron sa kaniya e!
"Ha! Sir! Para sabihin ko sa'yo! Kani-kanina ko lang nalaman na sikat pala kayo! Lalo ka na! Hindi ko nga alam na may hambog pa lang nabubuhay na gaya mo!" Hindi ko napigilan ang bibig ko at nasabi ko yun kay Ice.
Na BOSS ko 'NGA' pala!
Shemayyy! Nawala sa isip kong boss ko siya.
Napatingin ako sa reaksiyon nila. Pati si Ms. Mel. Mukha silang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Pano ba naman kasi Snow! Boss mo yun ginanon mo lang?
Matapos ang katahimakang yon. Umalingawngaw ang tawa nilang lahat. Maging si Ms. Mel. A-anong nangyayari?
"Hambog ka pala HAHAHAHAHA"
"Owwwff"
"Burn Ice!"
Sari-saring komento pa ang binato nila kay Ice.
"Mukhang nakahanap ka ng katapat Ice." Sabi ni Ms. Mel. Umirap si Ice.
"Whatever." Sabi nito tsaka pumikit na lang habang nakapasak ang earphone.
"Enough. Halika Snow,dadalhin kita sa kuwarto." Tumango ako at sumunod sa kaniya. Nasa ikalawang palapag ang kwarto ko. Plain lang siya. Malaki at malinis.
"That's your room."
"S-salamat po." Sabi ko sa kaniya. Sinabi niya sa akin ang mga dapat kong gawin. Kung ano lang ang dapat kong trabahuin. At kung may irereklamo daw ako sa pitong kumag ay sabihin ko lang daw sakaniya.
Bumalik kami sa baba ng masabi na niya sa akin ang lahat. Kung gusto ko daw magsimula na akong magtrabaho ngayon. Bayad daw ang araw ko kung kikilos ako ngayon. Pumayag naman ako. Yun naman talaga ang gagawin ko kahit di pa niya sabihin.
Habang pababa ng hagdanan narinig naming maingay na nagtatawanan at nagkukuwentuhan ang pito. Pero agad silang huminto ng marinig nila ang yapak namin. Tumingin sila sa amin at biglang nanahimik. Kami ba ang pinaguusapan nila?
"Okay. May new maid na kayo. Please boys, sana naman patagalin niyo na itong isang to." Turo sa akin ni Ms. Mel." Hirap na hirap na akong maghanap ng mapagkakatiwalaang maid."
"Mapagkakatiwalaan ba yan?" Mahinang tanong ni Ice. Sapat na para marinig ko. Dahil nasa malapit ko lang siyang sofa nakahiga. Tumingin ako sa kaniya. Suot na naman niya ang hambog na ngisi niya. Umirap naman ako sa kaniya. Wag mo kung anohin! Di porket boss kita... Hay nako....
"Snow?" Agad akong napabaling kay Ms. Mel. "Hindi sila ang boss mo, AKO" Shemayy! Diko gets.
"Po?"
"Susundin mo ang gusto nila, ang mga inuutos nila. Pero sa oras na pagawin ka nila ng hindi mo trabaho,wag mong sundin. Hindi mo sila boss. Dahil ako ang boss mo. Is that clear?" Tanong niya sa akin sabay baling sa pito.
"Sige po." Nginitian niya ako. Ang bait naman pala ni Ms. Mel eh! ^__^
"Okay. For now, uuwi na muna ako sa bahay ko. Ikaw ng bahala sa mga alaga ko,Snow"
"Yes po Ms. Mel!" Tinanguan niya ako saka bumalinb ulot sa pito.
"Be nice to her, Monstersss.." Sabi nito at tuluyan ng umalis.
Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming lahat. Isa-isa ko ilang pinagmamasdan.
"Alam mo Ice? Maganda naman itong si Snow eh! Duling ka lang talaga HAHAHAHAHA" tumatawang sabi ni Yuki. Ang cute ng dimple niya kapag ngungiti siya.
Natawa ang lahat sa sinabi ni Yuki,maliban kay Ice syempre at si Timothy naman eh nakangisi. Ngising nakakaloko.
"Tss. Para sa akin hindi maganda ang flat chested."
'Flat chested'
'Flat chested'
'Flat chested'
Nagtawanan silang lahat. Maliban kay Timothy na umikot ang mata. Ako naman ay pasimpleng sinulyapan ang dibdib ko. Hindi naman ih.
"Hindi naman siya flat chested eh! Shy type lang yung boobs niya!" Sabi ni Zyrus. Shemayy! Bakit po ganiyan ang lumalabas sa bibig nila?
Nagtawanan na naman sila. Grabe.
"Hindi okay lang yan, basta maganda siya. Tingnan niyo. Ang pink ng lips niya! Alam niyo bang ganiyang ang mga labing gustong-gusto kong halikan?"" Sabi ni Jyn habang parang ewan na ini-scan ang buo kong mukha.
Wala namang nagtatanong ih!
"Ang ganda rin ng mga mata niya. Itim na itim." Sabi naman ni Riyoshi. Hehehe maganda naman talaga yun!
"Ang ganda rin ng hubog ng balakang niya tsaka yung tambok ng puwet niya!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rhain. Grabe ang bibig! Parang di nila ako kaharap!
"Tss. Still,you can't deny the fact that she's flat chested." Sabi ni Ice at tsaka umirap pa. Huhuhu! Kawawa naman ang boobs ko.
"Hambog kang talaga! Letse kang habagat ka!!" Shemayy! Bakit ba traydor ang bibig ko at sinasagot ko siya parati!? Nagtawanan ang lahat. At ang may pinakamalakas na tawa ay yung kay Tim. Anong nangyari sa kaniya?
Nagtataka kaming lahat na nakatingin sa kaniya. Nakahawaka pa siya sa tiyan niya! At parang naluluha na!
(-,-) Hang guwapo niya bat ganon!?
"Maganda siya dahil sa attitude at guts niya" sabj ni Timothy at tumawa ng tumawa. Inis na tumingin si Ice sa kaniya. Padabog niyang binagsak ang hawak niyang libro sa lamesa. Tsaka nag-umpisang maglakad sa hagdan. Pikon?
"Hambog pala ah?"Galit na tanong niya sa akin. "Baka bukas,makalawa, wala ka na sa bahay na to! Dahil itong hambog na sinasabi mo ang magiging dahilan kung bakit hindi ka makakatagal rito!" Sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Galit na nga siya! Shemayy!
--------------
Vote,comment and share! Kamsahamanida!Follow me @ShamillGarrido9
-shemayy
BINABASA MO ANG
SNOW WHITE AND THE SEVEN MONSTERS
HumorWhat will happen if Snow White stucked to a seven monsters? Status:on-going