Chapter 4
GABI NA AT DI PA RIN AKO MAKATULOG DAHIL SA GINAWA NI TIMOTHY.
Para akong tangang kinikilig pa rin sa simpleng kindat. Shemayy!
Ba't kasi kailangan may pa-kindat pa di ba? Pamatay pa yung ngiti. Hayssss! Nakakainis ka Timothy!
Humiga ako sa kama ko at hindi ko pa man din napipikit ang mga mata ko,bigla na lang may kumatok sa pinto ko.
Gabi na ah?
Bumangon ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang bagong ligo na si Riyuki. Nagulat pa ako ng nakita siya. Amoy na amoy ko ang mint na amoy niya.
"H-hi Snow?" Sabi niya habang naiilang na ngumiti.
"Yuki? Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah?"
"Ah! Oo! Ano lang kase. Baka malamig diyan sa kwarto mo,kaya nagdala ako ng mas makapal na comforter" napansin ko nga ang dala niyang comforter.
"Okay lang naman ang kumot ko rito. Pero salamat pa rin!" Di ko maiwasang mapangiti.
Iniabot niya sa akin comforter. Tinanggap ko na ito pero di pa rin siya umaalis at nakatitig lang sa mukha ko. Nailang naman ako.
"Ah! May kailangan ka pa ba----??" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa sumunod na ginawa niya.
HINALIKAN NIYA AKO SA PISNGI!
"Good night Snow! Hehehehe" tulala lang ako sa papalayong bulto ng katawan ni Yuki. Anong nangyari?
Wala sa sarili akong pumasok sa kwarto ko. Parang tanga ako habang hawak-hawak ang pisngi ko na dinampian ng labi ni Yuki. Ramdam ko ang init ng pisngi ko. Shemayyy!
Dahil nga lalo akong di makatulog sa ginawa ni Yuki kanina, naisip kong magpatugtig sa selpon ko. Keypad lang to pero may sentimental value naman sa akin. Ito kaya ang kauna-unahang cellphone ko!
Ang kantang tumugtog ay kantang 'Akin ka na lang' ni morisette. Mukhang mapapalaban ako rito ah? Ano ba to biritan? Tss! Beysik!
"AKIN KA NA LANG!!!!" sigaw ko. Oo sigaw hindi birit. Hindi naman ako marunong bumirit eh! Nu ba kayo HAHAHAHAHA.
Sige lang ang kanta ko habang hawak ang suklay ko na nagsilbing mikropono. Nakalimutan kong hindi lang pala ako ang tao rito. May mga kalapit na tao pala dahil may kalapit ring kwarto sa kwarto ko!
Pinatay ko ang tugtog ko at pumunta sa pinto. Napahinto pa ako dahil may naaninag akong anino mula sa labas. Sino naman to?
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si ............
ICE?!
Gulat rin siyang nakatingin sa akin. Para siyang nakakita ng multo.
"A-anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ko.
"A-ano kase------"
"Naiingayan ka ba saken!? H-hala! Sorry kung naistorbo ko yung tulog mo! H-hindi ko naman sinasadya eh! Nadala lang ako nung kanta tapos nakalimutan kong may tao pala sa tabi ng kwarto ko! Sorry!" Nagpapanic na sabi ko.
"A-ah! Oo yun nga! Ang ingay ingay mo! H-hindi ako makatulog sa kabila! A-akala mo naman ang ganda ng boses mo!" Nanliit ang mata ko sa kaniya.
"Bakit ganiyan makatingin?" Tanong sa akin.
"Wala lang....sige na! Di na ako mag-iingay!" Sabi ko tsaka nginitian siya.
BINABASA MO ANG
SNOW WHITE AND THE SEVEN MONSTERS
HumorWhat will happen if Snow White stucked to a seven monsters? Status:on-going