[EXO FF] Baby Don't Cry: C1

15 0 0
                                    

Chapter 1: Meeting Him

================

Umalis na ako sa clinic ni Doc. Sanchez. Sumakay na ako ng taxi at umuwi na sa apartment.

Loneliness....

I know that word very much. Isang taon kayong walang kausap, can you be happy?

I did my housechores, I showered, I ate, everything's done so quickly. Pagkatingin ko sa bintana, doon ko lang napansin na gabi na pala. It's already 9:23 pm. Humiga na ako sa kama at sinusubukang matulog. Pero, kanina pa ako rolyo ng rolyo sa kama ko, hindi pa rin ako makatulog. Ganito ako gabi-gabi. Kapag pumipikit ako, nakikita ko ang mukha nina Mama, Papa, Rene, at Ren. Nakakalungkot ng sobra. Minsan nga, gusto ko sanang magpakamatay, pero naisip ko na wag nalang. Hindi rin naman kami magkikita sa impyerno. Mababait silang lahat.

Sa kakaisip sa kanila, hindi ko napansin na umiiyak nanaman pala ako. Aiiisssttt........ Ewan ko ba. Nakakainis. Bakit ba ako nabuhay?! Isang malaking pagsubok toh. I have to stay strong.

---------

Pagmulat ko, agad kong nakita ang family picture namin. Oh. Ok na sana ang umaga ko.... I guess it'll be a lonesome morning again. ( _ _) Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Hay. Well, kailangan ko pang maghanda para sa school.

Tapos na akong magbihis at lahat lahat pero nalang sa pagkain. Nawalan ako ng gana kaya wag na muna. Kahit na sabi ni doc na kailangan regularly daw akong kumakain. Psh. I don't care about that stuff anymore. Hindi naman matatanggal ang pagkaiksi ng buhay ko kapag kumain ako ng regular. Nothing will change. Nagsimula na akong maglakad papunta sa school.

Loneliness......

Wala naman pinagkaiba ang school sa apartment. Kung ang ibang estudyante, gustong gusto pumasok sa school para makita ang mga kaibigan nila, ako hindi. Masgusto ko sa bahay. Dahil pagpipintasan lang ako ng mga kaklase ko. I went to the locker room and started to get ready for the next classes.

I went to my classroom and I caught everyone's attention again. Wala naman akong ginawang masama. Tumungo nalang ako at umupo sa pinakadulong upuan.

"Psh. It's her again."

"Bakit pa ba sya pumapasok? Hindi ba pwedeng may private teacher sya sa bahay nya?"

"Oo nga eh. Baka mahawa pa tayo sa sakit nya."

Sanay na ako. Lagi naman ganyan ang sinasabi nila. Hindi ko nalang iniintindi. Wala naman mangyayari kung iintindihin ko pa yang mga ganyan. Maslalala lang ang depression ko at may mangyayari pang masama. Kaya wag nalang. Alam ko naman na wala akong kakampi dito. Puro aral lang ang ginagawa ko. I don't need social life.

Days have past at friday na ngayon. Nothing special happened. Uwian na at nag-aayos lang ako ng gamit sa locker. Nakaramdam ako ng gutom pagkatapos nun kaya napagpasyahan kong kumain.... Not at our canteen. At another fast food place. Pumunta ako sa kung saanman malapit sa may apartment ko at kumain lang doon ng saglit. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong kumain sa public place. Nag-order lang naman ako ng isang cheeseburger. Nakita kong puno na ang mga upuan kaya doon nalang ako sa labas ng apartment kakain.

Umupo ako sa isang bench na katapat ng apartment ko. Kumakain na.

"Hi, miss." Biglang may nakita akong lalaking nakaupo sa tabi ko. What?! Lumaki ang mga mata ko. May kakausap sa akin?! Kanina pa ba sya nandyan?! Ang alam ko, hindi ako umuupo sa mga benches na may nakaupong tao. K-Kailan pa sya nandyan?!

"E-Excuse me." Tatayo na sana ako nang bigla syang magsalita.

"Miss, wala naman akong gagawin sa'yo. Gusto ko lang sanang makipag-usap. Dati pa kita nakikitang naglalakad papunta sa apartment mo, naglalakad paalis."

Love JournalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon