"Sulyap sa Liham ng Kahapon"
Mia's POV
Napabuntong-hininga muna ako bago ko binuksan ang pinto ng office. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Mr. Lee, ang editor-in-chief ng local magazine company kung saan ako nagtatrabaho. Mahigit ilang taon na rin ang nakalipas matapos kong mag-apply dito bilang isang editorial assistant at kahit kailan ay hindi ko siya nakitang ngumiti. Buti na lang talaga dahil nandiyan si Ms. Cathy para tulungan ako sa mga ginagawa ko. Well, siya lang naman ang sumusulat ng mga feature articles sa bawat issue ng magazine na aming ipinapalabas. Aside sa kanya, nagiging madali ang trabaho ko dahil kasa-kasama ko ang bestfriend kong si Abegail at ang boyfriend kong si Vincent na kapwa kabilang sa layout department.
"What brings you here, Mia?" Seryoso niyang tanong habang nakatingin sa hawak kong folder.
"Ipapakita ko lang sana ang draft na naisulat ko para sa feature article ng magazine." Iniabot ko sa kanya ang folder at kinabahan naman ako nang sinimulan na niya itong basahin. Si Ms. Cathy kasi talaga ang dapat na nagsusulat at assistant niya lang ako. Ang tanging ginagawa ko ay ang mag-ayos ng mga papeles at siguraduhing kumpleto na ang lahat ng mga articles na ipapasa. Kaya lang naman ako naatasang magsulat ay dahil nasa ibang bansa si Ms. Cathy para dumalo sa isang conference.
Napatingin sa akin si Mr. Lee.
"Nagbibiro ka ba?" Tumawa siya nang bahagya.
"Sa tingin mo ba, may magbabasa ng magazine kung ito ang isusulat mo?" Napalunok ako nang inilukot niya ito.
"M-may mali po ba?" Mahina kong tanong.
"Tinatanong mo pa talaga kung anong mali sa isinulat mo?" Natatawang ani niya. "Pwes, sasagutin kita..."
Bigla siyang tumayo at umupo sa itaas ng mesa.
"Walang kwenta ang article na ito!" Napaatras naman ako sa gulat.
"Ngayon alam mo na ba kung anong mali?" Pagpapatuloy niya. At dahil sa sinabi niya ay hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Gumawa ka ulit ng bagong draft at ipakita mo ito bukas." Kaagad naman itong lumapit sa akin at may ibinulong sa tenga ko. "You may leave..."
Napatango naman ako at mabilis na lumabas ng office habang humahagulgol sa pag-iyak. Hindi ko na lang pinansin ang mga nakatingin sa akin at dumiretso sa comfort room. Nang matiyak kong walang ibang tao ang nasa loob ay pumasok ako sa pinakadulong cubicle at napaupo sa sahig.
Umiyak lang ako nang umiyak sa loob ng ilang minuto. Ang sakit lang kasi sa pakiramdam na binalewala lang ng isang tao ang pinaghirapan kong article.
Naaalala ko tuloy ang araw kung kailan ako pumunta sa National Museum of the Philippines. Wala ako sa mood nang mga oras na iyon kasi nag-iisip ako kung ano ang topic na isusulat ko para sa magazine. Sinabihan kasi ako ni Mr. Lee na maging substitute ni Ms. Cathy since ako naman ang assistant niya. Marunong naman akong magsulat pero wala lang talagang ideya na pumapasok sa utak ko. Pressured pa naman ako dahil 2 weeks na lang before nila i-release ang 5th year anniversary special ng kumpanya kaya mas lalo akong nahihirapan sa gagawin ko. Buti na lang talaga at napunta ako sa museum.
***
Pagpasok ko pa lang sa loob ng museum ay bumungad kaagad sa akin ang malalaking mesa kung saan nakapatong ang iba't-ibang bagay tulad ng mga baril na ginamit ng mga sundalo sa pakikipagdigma sa mga Kastila, mga litrato na kinuha pa mismo ng isang kilalang photographer noon na si Manuel Arias Rodriguez na siya ring kumuha ng larawan ni Dr. Jose Rizal bago ito barilin, mga librong nanggaling pa sa Amerika na ginamit ng mga Thomasites o ang mga gurong sundalo na unang dumating sa bansa at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
My Love from 1899
Historical Fiction1899, ito ang taon kung kailan naitatag ang unang republika ng Pilipinas. Ang panahon kung saan mapupunta ang manunulat na si Mia Quintos, sa katauhan ng isang dalagang nagngangalang Emmanuela, upang tuklasin ang katotohanan sa likod ng kuwento na m...