"Panibagong Buhay"
"Malubha ang pinsala na naidulot ng aksidente sa ating pasyente. Wala ba itong kamag-anak?"
"Wala po...Ang alam po namin, tanging boyfriend niya lang at kaibigan ang kakilala. Papunta na rin sila dito."
"Due to her head injury, hindi natin matitiyak kung kailan ito magigising. Even though her vitals are stable, she is brain-dead at the moment."
Madilim ang buong paligid at tanging ang mga salitang iyon ang aking naririnig. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maigalaw ang aking katawan pero sigurado akong pinag-uusapan nila ako.
Ilang minuto pa ang nagtagal bago sila tumigil sa pag-uusap. At ngayon na nanumbalik ang katahimikan ay pinilit kong alalahanin ang mga nangyari.
...
...
...
...
"NAAALALA KO NA!"
Napasigaw ako sa tuwa matapos kong imulat ang aking mga mata.
Nakaupo ako ngayon sa isang malambot na kama sa loob ng isang silid.
Pero teka lang---
Ibig bang sabihin ay nananaginip lang ako?
"Emmanuela, buti naman at nagising ka na."
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong ng isang matipunong lalaki na nakasuot ng isang puting shirt.
Agad namang kumunot ang noo ko. "Sino ka?"
"Emmanuela, anong ibig mong sabihin?" Lumapit ito sa akin dahilan para mapaatras ako.
"Hindi ako si Emmanuela, ako si Mia." Nagtatakang pahayag ko. Nang inilibot ko ang paningin sa buong paligid ay mas lalo akong naguluhan.
Anong nangyayari?
Akala ko ba isang panaginip lang ang lahat?
Nananaginip pa rin ba ako kaya nandito ako sa isang makalumang bahay kasama ang lalaking ito?
"Anong ginawa mo sa'kin?" Kahit na nagtataka ay tinangka kong tumayo ngunit nanigas lamang ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba talaga?"
PAK!
Hindi ko na mapigilan ang sarili at sinampal ko siya nang napakalakas. Paano ba naman? Hinawakan niya ang pisngi ko at ilang metro na lamang ang pagitan ng mukha namin. Ni hindi ko nga alam kung sino siya tapos gagawin niya iyon?
"Tinatanong kita kaya sagutin mo ako!"
Nagulat naman ito nang sumigaw ako at bahagyang hinawakan ang pisngi.
"E-emmanuela." Tumayo siya at lumayo sa akin habang nagtataka sa ginawa ko. "Hindi mo ba ako nakikilala?"
ANO DAW??
Sinasabi ba niyang magkakilala kami?
"Nananaginip lang ako 'di ba?" Mahinang bulong ko sa sarili pero nagawa pa rin ng lalaking ito na marinig ang aking sinabi.
"Hindi ka nananaginip, Emmanuela. Totoo ang nakikita mo."
Kung tama ang sinabi ng lalaki na hindi ako nananaginip ulit, hindi naman pwedeng mapadpad ako sa lugar na ito matapos ang nangyari sa akin.
BINABASA MO ANG
My Love from 1899
Tarihi Kurgu1899, ito ang taon kung kailan naitatag ang unang republika ng Pilipinas. Ang panahon kung saan mapupunta ang manunulat na si Mia Quintos, sa katauhan ng isang dalagang nagngangalang Emmanuela, upang tuklasin ang katotohanan sa likod ng kuwento na m...