Chapter Three

19 1 3
                                    

Pababa na kami ng hagdan ni Yaya Mirna ng matanong ko siya bigla.

"Hey Yaya Mirna, kanino po yung mga uniforms, shoes, and socks dun?"

Tumawa si Ate. "Naku Ma'am, handang handa na po iyan para saiyo."

"Buong akala ko, scholarship at guestroom lang ang in-offer ni Mayor. Grabeee, mukhang napaghandaan talaga."

"Opo Ma'am. 1 week bago kayo dumating ay pinaasikaso na sakin ito ni Sir." Pagbanggit nita kay Mayor.

"Woow, thank you yaya" ngumuti lang ito sakin. Nang makababa na kami ay dumeretso na kami sa dining area kung saan nakita ko si Mayor sa nakaupo sa dulo ng table. May nakita din akong isang lalaki na mukhang naglalaro dahil naka landscape ang phone niya. Di ko makita masyado ang mukha niya dahil nakatalikod ito sakin.

"Oh iha, you're here"

"Hi po, Mayor." Nahihiyang sabi ko

"Upo kana diyan iha" umupo ako sa harap ng lalaki. Gusto kong maaninag ang mukha niya ngunit nahihiya ako. Saka baka sabihin ni Mayor na may pagtingin agad ako dyan sa lalaking yan. Hell no.

"Apo, let's eat. Nandito na si Joyanne"

"Wait, Lo" sabi nung lalaki ang nilagay ang cellphone sa bulsa niya. Pagkalagay nito sa bulsa niya ay agad itong kumuha ng kanin na nakalagay sa isang malaking lalagyan.

"Hep hep hep! Pray muna" di ko mapigilang sabi habang hawak ang braso niya. Di ko parin makita ang mukha sa haba ng kanyang buhok at natatakpan nito ito. Pero shalaaaa, ang laki ng braso. Mukhang nag gy-gym tong lalaking to. Saan kaya siya nag gyg---

"I said, remove your hand" napabalikwas ako dahil sa sigaw niya. Nakakagulat naman itong lalaking to. Binitawan ko na din ang braso niya. "Kanina pa ko nagsasalita diba? Bingi ka ba?" Napayuko nalang ako dahil sa hiya.

"Calm down , Keith" ani Mayor

"Calm down, Lolo she's getting into my nerves" galit talaga siya huhu

"Sorry po." Sabi ko sa lalaki. "Sorry po Mayor, mamaya nalang po ako kakain pagtapos na kayo. Sorry po" sabat takbo paakyat ng kwarto ko. Nakakainis. Ibang-iba magalit ang mokong. Teka? Keith? Siya na ba yung babantayan ko? Hell no. No waaaay. Hindi pwedeeee. Mahihirapan ako sakanya. Napakasuplado jusmeee! Lord, kayo na po bahala sakin.

Ring! Ring! Ring!

Sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone kaya kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko. Dun ko kasi ito nilagay kanina.

"Hello, Ma!" Tuwang tuwa na sagot ko

"Hello anak. Musta na? Okay ka lang ba dyan? Malaki ba kwarto mo? Komportable kaba? Kumain kana nak? Miss na kita agad. Pahinga ka maya maya ah?"

Nangilid agad ang luha ko dahil sa sunod-sunod na tanong ni mama. "Ma kalma, okay lang po ako kayo ba? Opo,sobrang laki ng kwarto ko. Di po ako komportable masyado kasi di pa ko sanay na di ka kasama. Di pa po ako kumakain hihi kasi di pa po ako tapos mag ayos ng damit ko." Pagsisinungaling ko. "Miss na miss na din kita mama. Gusti na kita ulit makasama kahit wala pang isang araw ang stay ko dito. Alagan mong mabuti ang sarili mo mama ha?" Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. "Mahal na mahal kita mama" at tuluyan na kong humagulhol pero di ko pinaparinig sa cellphone.

"Okay lang din ako anak. Ikaw, ingatan mo din sarili mo ha? Mahal na mahal din kita anak."

Pagkatapos ng usapan namin ni mama ay nahiga muna ako saglit saaking kama upang damhin ang lambot nito. Di jk lang. Humiga ako upang mabawasan ang bigat na nararamdaman ko saaking katawan. Miss ko na si mama hyy

HE'S GROUCHY BUT SWEET (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon