Chapter Four

11 1 2
                                    

"Bobo psh!" Narinig ko sa likod ko. Pagtingin ko ay si Keith pala yung nagsalita. Kahit gwapo siya ay di parin ako nagpapadala sakanya.

"Ako ba sinasabihan mo?"

"Oo, ikaw ang bobo"

"Aba aba, bakit mo naman nasabi yan aber?" Lumapit ako sakanya at namaywang sa harap niya

"Bobo ka talaga. Brownout tas gumagana electricfan sa harap mo, bukas pa aircon, may ilaw pa. Bobo ka!" Sumosobra na siya.

"Bobo ako? Pakiulit nga!" Nanghahamong sabi ko

"Bobo ka, bobo ka, bobo k--" bigla nalang lumipad yung kamay ko kaya napatigil siya. Lumipad kaya ayon sapol, nasampal ko. Ang sakit kaya masabihan ng bobo.

"Bobo ako dahil akala ko brownout kahit gumagana mga appliances niyo dito?" Lumapit pa ako sakanya. "Bobo ako ha? Ikaw ang bobo, gago! "Dinuro duro ko siya gamit ang kaliwang kamay ko at gamit ang hintuturo ko syempre. "Bobo ka dahil alam mo naman palang may kumakanta, papatayin mo" di padin siya makapagsalita. May after shock pa siya mamaya humanda siya. "Bobo ka kasi pinatay mo! Nakita ng kumakan---*

"Pinatay ko dahil ang sakit sa tenga ng boses mo! Akala mo maganda boses eh" at tinalikuran na ko sabay akyat sa taas.

"Grrrr! Bobo kaaaaaaaa! Sigaw ko habang umaakyat siya ng hagdan. Pinakyuhan niya lamang ako habang nakatalikod siya kaya lalo akong nang gigil! "Bwiseeeeeeet kaaaa! Humanda ka sakin!" Pagtili ko pero ako lamang nakakarinig.

Nagdadabog akong umakyat sa taas. San niya kaya nakuha yung remote at di ko man lang napansin. Bwiseeet siya! Nakakagigil na. Nang makarating ako sa aking kwarto ay binuksan ko nalang yung TV dito pero di naman ito kalakihan tulad ng nasa sala. Maliit lamang itong flatscreen TV at nakadikit sa wall. Malakas kapit neto ah? Kinuha ko ang remote at nilipat sa channel 33. Myx timeeee yeheeey! Sumasabay lang ako ng sumasabay sa kanta hanggang antukin ako. Nakatulog ako ng bukas ang TV kaya pag gising ko ay bukas padin ito. Aba malamang!

Mag gagabi na pala. Lumabas ako ng kwarto at naglakad lakad sa buong mansion. Grabe, and laki laki talaga netong bahay na to. Umikot ako paglabas ko ng bahay at nahulog ako ako sa pool. What the?

Nagulat ako ng may humawak sa paa ko.

"Lulunurin mo ba ko?" Hinihingal na tanong nung suplado

"Gago!" Nasagot ko nalamang

"Ang tanga mo talaga ano?"

"What did you just say?" Probinsiyana ako pero marunong din naman ako mag english.

"You're stupid" sabay langoy papuntang side ng pool. "Stupid" sabi niya ulit nung nakaahon siya. Tinarayan ko lang siya at lumangoy na din papuntang pool side. Kala niya ah?

"Hoy di ako tanga! Nahulog lang ako dahil"

"Dahil ang tanga mo" dugtong niya

"Dahil umikot ako! Di ako tanga, suplado ka!"

"What?" Napaharap siya bigla kaya natigil din ako sa paghahabol sakanya.

"Sup-la-do ka!" Sigaw ko sabay karipas ng takbo. Malapit na sana ako sa hagdan ng bigla akong nadulas.

"Bwahahahaha! tanga na nga, lampa pa! Bwahahahaha" tawa ng tawa ang ugok. Tatayo na sana ako ng lumapit siya at inaalay sakin ang palad niya

"Tayo!" Sabi niya habang nakalahad padin kamay "Kukunin mo ba o hindi?"

Aabutin ko na sana ang kamay niya ng binaba niya ito. So yown, bumagsak din kamay ko. Nakarinig nanaman ako ng tawa ng demonyo

"Bwahahaha, as you wish stupid girl!"

Nakakainis, bwiseeeeet na lalaking yun. Sana karmahin din siya. Tumayo na ako at tumakbo paakyat. Nagkulong ako sa kwarto. Bahala siya. Binuksan ko ang WiFi at laptop at nagfacebook ako. Marunong din akong gumamit neto kahit probinsyana ako.

Grabe ang lakas ng net dito. Ni log-in ko na nga ang facebook ko at ang dami-dami ng notifications and messages.

Friend request- 12
Message-36
Notification-167

Una ko binuksan ang friend request. Di ko kilala ang mga to kaya pinunta ko sa notification. Nakita kong puro react at tag saakin ng mga pictures with messages.

From: Alexis Mendez

Huhuhu..joyaannneee, mag ingat ka sa manila..mamimiss kita..uwi ka dito minsan ah?..iloveyouuu bestfriend..
*insert picture of joyanne and alexis

Hinart react ko ito at nag comment ng 'oo naman, kayo din. I love you to bessy'.

Tinignan ko din ang iba. Hinart react at nag comment din ako. Binuksan ko naman ang messages at nakita ko puro kaibigan ko sa probinsya. Pinag-iingat nila ako at miss na miss na daw. Marami pang humihingi ng pasalubong. Hay nakooo mga tropa ko talaga.

Nag i-scroll lang ako , up and down ng may tumawag. It's videocall.

*Alexis Mendez Calling...

Sinagot ko ito agad. Agad ding bumungad ang mukha niya sa screen ng laptop.

"Hello Alex!" Masayang bati ko

"Nakuuu Joyanne, umuwi ka nga dito."

"Hahaha kakarating ko palang dito eh saka ilang araw nalang pasukan na." Natatawang sabi ko kay Alex

"Miss na kita" malungkot ang boses niya kaya alam kong seryoso siya

"I miss you too Alex. Uuwi ako diyan ng may pasalubong. Ano bang gusto mo? "

"Ikaw lang Joyanne! Kakainis ka. Di man lang kami na-inform na aalis ka."

"Biglaan eh" kibit balikat ko nalang. Napangiwi siya at tumawa

"Ay Joyanne, malaki ba yang bahay? Malaki ba kwarto mo? Patingin nga." Galak na galak na sabi ni Alex. Tumawa lamang ako at nilibot ang buong kwarto ko kasama ang laptop.

"Wooooow! Isang munting bahay lang yan dito sa probinsya natin ah? Ang ganda! Ang linis at kumpleto na din gamit. Sana may mag offer din sakin diba ? " Sabay kaming tumawa.

"Oo, mag-antay kalang." Ngumisi ako

Maya-maya at nagpaalam na din siya kasi tawag na siya ni Tita Maribel, mama niya. Sinara ko na din ang laptop at ang WiFi. Di ko na ni-log out ang account ko kasi akin naman tong gamit dito. Mahihiga na sana ako ng may kumatok. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Yaya.

"Sorry sa istorbo, ma'am. Pinabibigay lang po ni Sir. " Sabay abot ng sobre

"Sinong sir?" Tanong ko sabay bukas ng sobre at may makita akong 5 thousand.

"Si Mayor po. Pambili niyo daw ng school supplies kasi malapit na pasukan niyo. Nakalimutan niya kasi magpabili kaya kayo nalang daw bumili."

"Pero sobra na to" sabi ko

"Ganyan talaga yan si Sir. Pangkain mo nalang yung iba o pangbili mo ng kahit anong gusto mo."

"Talaga?"

"Oo naman. Sige maiwan na kita. Bukas kanalang bibili, hatid sundo ka naman ni Manong Raul, yung driver natin. "

"Salamat Yaya!"

"Sige." At tuluyan ng sinara ang pinto.

Binuksan ko ulit ang sobre at seryoso? 5k para sa school supplies? Ano pa kayang bibilhin ko. Hmp! Bukas ko na nga lang isipin. Nilagay ko yung 5k sa bag ko. Wala pa pala akong sling bag at wallet hyy. Bukas ko nalang bibilhin ang kulang sa gamit ko.

-keyseecorn💙

Don't forget to vote and comment mga bebs!

HE'S GROUCHY BUT SWEET (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon