ASHLEY'S POV
Isang araw, nagulat ako sa tawag na iyon. Nagkaroon ng mild stroke si Papa. Wala akong inaksayang sandali. Pinuntahan ko kaagad siya sa ospital at si Hector ang sumalubong sa akin. Siya pala ang nagsugod kay Papa sa ospital. Napadaan daw ang kotse niya sa amin ng bigla siyang parahin ni Baldo. Humingi na sila ng tulong.
"Salamat sa pagtulong mo kay Papa." Medyo akward ang mga sandali. Nakatingin lang sa akin si Hector. Tatlong buwan na rin ang nakalilipas.
"Huwag mong alalahanin iyon. Kahit na sino naman eh... basta't kailangan ng tulong." Sabi niya. Aalis na sana ako. Wala na akong masabi at di ko na alam kung ano pa ang pag-uusapan namin. "Ashley..."
So I went to have a cup of coffee with him pero wala kaming napag-usapan. Buong oras ay nakatitig lang siya sa akin. Iniwasan ko ang mga tingin niya. Ni hindi niya nagawang higupin man lang ang kape niya/
"Sarge, malamig na yata ang kape mo..."
"Sanay na ako..." What is he thinking? Sinasamantala niya na malapit kami sa isa't isa. Hinawakan niya ang kamay ko. Yumuko na siya. Alam ko...
"Sarge..." Umiling ako.
"Pasensiya na..."
Inuwi namin si Papa at si Hector pa rin ang naghatid sa amin. Naka-wheel chair na kasi si Papa. Di ko iyon kaya. That day, di muna ako umuwi sa amin. I managed to get a private caregiver para sa kanya. Pansamantala akong nagpaalam sa bahay para maasikaso ko siya. Dinalaw siya doon ni NInong Samuel. Natuwa naman ang lalaki ng makita ako. Dinalaw ulit siya ni Hector. Dinalhan din niya ako ng bulaklak pero di na kami nakapag-usap. Ginawa ko ng abala ang sarili ko sa bahay, kay Papa at sa trabaho.
"Iha, ipasyal mo ang papa Miguel mo sa tabing dagat. "Suggestion iyon ni Mama. That night pag-uwi ko, nadatnan ko doon si Hero. NIyayaya niya kami na isama si Papa dahil may outing ang mag-anak nila at gusto din daw nilang isama si Papa, kung okay lang sa akin.
Walang kaso... basta't kasama ako. Pinag-grocery ko na si Inday. Healthy foods ang puwedeng ihain. Ang bawal ay bawal.
"Papa, are you ready for tomorrow?"
"Paano sina Kelly at Pablo? Nagpaalam ka ba?"
"OPo, naiintindihan naman nina Mama at Papa ang sitwasyon ninyo ngayon.Kailangan ninyo ng kasama. Huwag po kayong mag-alala."
BINABASA MO ANG
SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)
RomanceLumaki ako sa lugar na iyon at itinuring na kakaiba. Bawal dito, bawal doon... Hindi puwede 'yan. Hindi puwede iyon. Bakit nga ba? -Asaleah