A LITTLE BAD DAY

165 3 0
                                    

ASHLEY'S POV



Tahimik akong nakaupo sa aking opisina. Hawak ko ang color pencil habang nakaharap sa aking sketch pad. Bakit ngayon pa namin nai-experience ni Hector ang ganitong mga problema? Aren't we meant to be? Pinagpipilitan lang namin ang gusto namin kahit hindi naman talaga iyon ang nakatadhana sa amin.



Wala pa kaming isang buwan... namumutiktik na kami ng problema...lalo na kay Cecilia .



Well, nang sagutin ko si Hector, we never talked about any terms and conditions... even the do's and don'ts in a relationship were we are both new to it. Pareho kaming first timers though Hector is much matured than me. We have a quite 8 year gap.



Di kami nag-usap kung ano ang gagawin kapag may mga babaeng tulad ni Cecilia o mga third party sa relasyon. O kaya kung magseselos kami sa kung sinuman lalo na sa trabaho naming dalawa. Paano kung may biglaan akong appointment at di ako nakapagpaalam? Ganoon din siya sa mga lakad nila? Paano nga ba? Anong gagawin namin?



I become so unproductive that day being busy with a lot of thinking. Di ko na rin napansin ang mga text messages ni Hector. Pero mabuti na lang at nakita ko ang kanyang tawag.



"Hmm..."



"Sige, magpapaalam ako kay Mama...kina Papa muna ako uuwi."



"Kumusta na ang follow up sa kanyang complaint?"



Pupuntahan daw ako ni Hector mamaya. Tinawagan ko na rin si Mama. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Papa. Nag-aalala siya kaya walang problema kung doon muna ako umuwi sa kanya.



Maaga akong umuwi. Todo-asikaso ako sa kanya. Naninibago tuloy siya.



"Huh, nagpalaam ka ba sa mama mo?"



"OPo..."



"Okay lang naman ako eh. Nandito naman si Inday."



"Kahit na. Mag-aalala po ako sa inyo." Niyakap ko si Papa. Nadatnan kami ni Hector na ganoon ang ayos namin.



"Good evening Tito Miguel." Naupo kami sa sala. Wala pang lead pero sisikapin daw ng presinto na bigyan siya ng update. Maagang nagpaalam si Papa. Inihatid ko muna siya kanyang kuwarto.



Tahimik akong umupo sa tabi ni Hector. Humalik din ako sa kanya. Di ako umimik sa tabi niya. Nakahalukipkip ako. Saka niya ako hinarap.

SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon