LOVE YOU LIKE CRAZY

158 4 0
                                    

ASHLEY'S POV



Walang gabi na hindi ko iniyakan ang paghihiwalay namin ni Hector. Nagsisisi ako kumbakit ko siya ipinaubaya ng ganoon na lang. Nagpaliwanag siya at napatunayang wala siyang kasalanan, iyon ang sabi ni Papa.



"I admire him, Iha. Bihira na lang ang mga lalaking tulad niya na makakaiwas sa harap ng tukso. "



Pero nagmatigas ako. Hindi ko na siya pinakinggan at binigyan ng pangalawang pagkakataon. I totally shutdown any communication with him. Tapang-tapangan pa ako sa bahay pero pagdating sa loob ng kuwarto, umiiyak ako. Pagdating sa opisina, wala akong matinong magawa... I am totally out of focus. Di ako makapag-isip ng maayos dahil si Hector ang iniisip ko... ang inaalala ko. Hindi na muna ka pumunta kay Papa. Imposible ding puntahan pa ako ni Hector. Safety precaution na lang para di kami magkasalubong.



I occupied myself with work pero hindi naging matagumpay ang mga iyon para makalimutan ko si Hector. When I start doing designs, they become meaningless. I find no inspiration to make new creation. My colors also show that I am not even in the mood and sad. Halos napunit ko na lahat ang pahina ng sketchpad ko pero wala akong natatapos na matinong design.



"Sis..."Sabi ni Ate Penny...Ashpen ang buo niyang pangalan. "Tama na..." Halos isang buwan na rin ang nakalipas matapos naming mag-break. Ilang beses lang namang nag-usap ang mga abogado namin nina Cecilia at Hector, para maiwasan ang paglala ng kaso, sinikap ng bawat partido na magkasundo. Kailangang burahin ni Cecilia ang mga larawan pati ang video. Kailangan akong layuan ni Hector.



"Ate....huhuhu. Ano ang gagawin ko? Mahal ko pa rin siya."



"Puwede mo namang ibaba ang pride mo? Ano sa tingin mo?"



"Ano nga? " Humahagulgol pa rin ako. She suggested na puwede ko daw puntahan Hector kung saan ako mas komportableng kausapin siya. Di na kasi siya nagpupunta sa akin. He totally stop bugging me which is good naman but I totally missed him so much. He spoiled me with so much love tulad ng pagmamahal ni Papa#1 Pablo at Papa#2 Miguel...kasama pa ni NInong Samuel na Papa niya. "Hindi ba parang awkward naman yata iyon?"



"You totally avoided him. Pati sa Sylber, naka-ban siya. Di ka naman umuuwi kina Tito Miguel. Kapag dinadalaw ka, di mo naman siya nilalabas. Lalo namang naka-ban siya dito sa atin."



"Ate...."



"Kaya nga...ikaw na ang gumawa ng paraan na makausap siya. Hindi naman masamang isuko ang konti mong pride para sa kanya. Mahal mo pa rin naman siya di ba?" Tumango ako.



Until the day na nagkaroon ng live interview ang ETC Philippines... hindi ko napigilan si Clydj sa kanyang proposal. Nagulat din ako ng magpropose siya sa akin sa mismong channel... paniwalang paniwala tuloy ang buong madla na wedding proposal iyon. Maging si Mama at Papa ay binati ako.



"Are you sure of this? Do not involve yourself with any man kung di ka pa nakaka-moved on kay Hector. That's unfair. " sabi ni Papa. Alam din ni Mama na malungkot ako. It was never a good choice for me. Suicide iyon para sa akin. I have never come to love Clydj in the first place. We are more on business partners , puwede siguro sa ganoong punto.



"Mama...."



"Yeah, alam ko. Si Hector pa rin ba?" Umiyak ako sa kanya.



Ilang beses ko ding sinubukang umuwi kay Papa. Malapit na sana ako sa kanto namin. Mag- U- U-turn lang ako at papasok sa eskinita na iyon pero nagdalawang isip pa ako. Hindi na lang. Huwag na lang. Nakakahiya, iyon ang palagi kong alibi.



Minsan naman ay bumili ako ng JCO para sana kay Hector. Balak ko sana siyang puntahan sa presinto. Minsan ay naisip ko ding ipadala na lang kay Hero at ipabigay sa kanya pero nag-alangan akong bigla, dinala ko sa Slyber at ipinakain ko na lang sa aking mga staff. Tuwang – tuwa sila pero sobrang lungkot ko noon.



Madalas kong titigan ang stolen shot namin ni Hector noong nasa dorm ako. I like that pic. Kuha iyon ni Jachi. She send it to me via Bluetooth. Alam kong mayroon din noon si Hector. Iyon ang madalas ko ngayong tingnan kapag nami-miss ko siya.



Minsan naman nagbrowse ako ng contacts ko. I found Hector's cp number. Balak ko sanang magsend ng message tapos sasabihin ko na lang na wrong sent. O kaya ay miss call...tapos sasabihin ko na lang na mali ang napindot ko. Hay naku, halatang halata naman na nagdadahilan lang ako.



In the end...I lost Hector.



I still missed him a lot.

SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon