LAST DAY WITH YOU

255 5 1
                                    

MIGUEL'S POV



Sinubukan kong ilayo ng konti ang sarili ko kay Leah. Hindi ko siya inihatid. Hindi ko rin siya sinundo kaya iyak siya ng iyak tuwing nag-uusap kami. Gusto niyang puntahan ko siya sa dorm pero di ko ginawa.



Nakiusap ako kay Hector na ingatan ang aking dalaga. Masinsinan kaming nag-usap sa presinto ng araw na magkita kami ni Mrs. Soberano. Hindi ko inilihim sa kanya ang tunay na pagkatao ng aking anak. Alam din iyon ni Samuel.



Inihahanda ko lang ang aking sarili sa napipinto naming pagkakalayo. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng compound namin. HInihintay ko siya sa pintuan pa lang, tulad ng dati. Niyakap ko siya ng mahigpit. Miss na miss ko ang aking anak. Di ko namalayan ang pagtulo ng aking luha.



"Papa,bakit po kayo umiiyak?



"Ashley..."



"Papa..." Saka niya napansin ang mga bisita sa sala.



"Bakit po sila nandito? " Lumapit kami sa sala. Mag-anak silang susundo kay Leah ngayon. Naramdaman ko ang higpit ng kanyang kapit sa braso ko.



"Ashley..."



"Papa, wala po akong kinuha...di po ako snatcher..."



"Ashley...' Sabi ni Mrs. Soberano.



"Asaleah po ang pangalan ko...Papa, bakit po sila nandito?"



"Ashley..." Tumulo ang luha ko. "Ashley ang tunay mong pangalan."



"Iha...." NIlapitan siya ng babae at hustong yayakapin siya.



"Papa..."



"Anak, sila ang tunay mong pamilya...Mrs. Soberano..." Nakatayo lang siya doon at umalis ako saglit.



Pumasok muna ako sa kuwarto niya at kinuha ang isang di kalakihang kahon. HInila ko si Leah sa tabi ng babae. Iniabot ko sa kanya ang kahon.



Iyak ng iyak ang babae ng makita ang sapatos at damit... may larawan din sa loob. Mga larawan noong bata pa lang si Asaleah. Doon lang niya unang nakita ang larawan ng isa tsitzu. Aso niya iyon kaya lang nanibago sa paligid at sensitive sa aming lugar kaya namatay.



"Thank you Lord..." Lalong bumaha ang luha. "Ito nga ang suot ni Ashley nung mawala siya sa Quiapo. "Anak...I knew it... ikaw nga si Ashley."



"Papa..."



Hindi ko alam kumbakit parang nakalimutan n ani Leah ang detalyeng iyon sa buhay niya. Limang taon siya noon...may isip na siya. Kilala niya ang kanyang sarili...



Alam niyang Ashley Soberano ang pangalan niya kasi iyon din ang sabi niya sa akin.



Doon ko sinabi ang totoo. Kaya di ko siya pinalaki na tulad ng mga pinsan niya dahil gusto kong maging responsible magulang na palakihin ang anak ng tama. Kung totoong anak ko siya, di ko gugustuhing maging snatcher o bar girl siya tulad ng mga pinsan niya.



Handa na ang lahat ng gamit niya at di na ako nangiming pasamahin siya sa tunay niyang pamilya.



"Papa, huwag mo akong ibigay sa kanila. Papa..." Iniabot ni Ashley ang kanyang mga kamay ngunit hindi ko iyon inabot.



"Leah..."



"NO, Papa. Don't do this to me...Papaaaa....Papaaaaa!!!!!"



Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Dinig na dinig ko ang kanyang iyak. Kahit habang nasa loob ng kotse, nakita kong napahawak siya sa nakasaradong salamin ng kotse. Alam kong sigaw siya ng sigaw sa loob. Nagpakalasing ako para lang makatulog. Iyak din ako ng iyak at durug na durog ang puso ko. Sa mahabang panahon ay muli akong natulog sa loob ng kuwarto ni Leah ako natulog. Iyon ang dati naming kuwarto ng aking asawa.



Kinabukasan ay tahimik akong hinarap ang aking buhay. Nilapitan ako ng aking kapatid.



"Kuya..."



"Hmm..."



"Bakit di mo sinabi ang totoo?"



"Anong magagawa mo kung sinabi ko ang totoo?" 



Wala naman akong pakialam kahit ano pa ang isipin nila sa akin at kung ano ang tingin nila kay Leah noong bata pa siya. Alam nila na iba ang prinsipyo ko sa buhay. Hindi ako gagaya sa kanilang masamang gawain. Lalo't higit ang palakihin at turuan ang anak ko ng mali.

SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon