MY SWEET ASHLEY

209 7 1
                                    

KELLY'S POV



Ilang buwan na lang at matatapos na rin si Ashley sa kursong kinuha niya. Hindi na rin namin siya pinigilan sa kanyang kagustuhang manatili sa dorm.



Mahabang panahon ang nawala sa amin kaya Malaki ang pag-aadjust na ginawa namin.



Slowly...



Simula ng umuwi siya sa amin, nakita kong naging malulungkutin siya. Madalas siyang magkulong sa kuwarto at nagbabasa.



MInsan ay pinuntahan ko siya doon. Kinuwento ko sa kanya kung ano ang hilig niyang kainin...kung ano ang mga gusto niyang gawin.



"Mama, bakit po ako may phobia sa tsitzu?"



"Oh, really...I don't think you have..."



May alaga siyang tuta. Kasama pa nga niya ang tuta ng mawala siya... mukhang inaalala niya kung anong nangyari sa tuta.



Hinaplos ko ang ulo ni Ashley.



"Mama..."



"Iha, may boyfriend ka na ba?"



"Wala pa po..."



"Hmm, hindi ba mahigpit si Miguel sa iyo kaya pinagbabawalan ka niyang magboyfriend?"



"Hindi po."



"Pero may nanliligaw?" Nakita kong nagdadalawang isip siya.



"Meroon pong gustong manligaw...may dumadalaw pero di ko po ini-entertain as manliligaw."



"Has he come to see in your dorm?" Medyo nag-aalalangan niyang sumagot. Hinawakan ko ang kamay niya.



"Mama...I treat Hector as my friend. Siya lang po ang maituturing kong matinong kaibigan sa lugar namin. I really don't have friends. I live my life in seclusion kasi nga po yung mga itinuring kong mga pinsan eh halang ang bituka."



"Anak, puwede mo namang imbitahan dito si Sarhento kung balak niyang manligaw sa iyo. Huwag kang mahihiya sa amin."



"Mama, hindi naman po. Priority ko pa rin po ang mag-aral."



"Napakasaya ko ng mahanap kita." Tinitigan ko ang mukha ni Ashley. "Pero ayokong nalulungkot ka dito sa amin."



"Mama...nalulungkot po ako kasi mag-isa na lang si Papa Miguel."



"Puwede mo naman siyang puntahan."



"Talaga po..." Tumango ako. Hindi ko maiaalis ang attachment niya kay Mr. Paulino.



"Magpahatid ka sa ate mo tapos susunduin ka na lang namin doon."



Doon ko nakitang bigla ang sigla ng kanyang mga mata. Kaya siguro siya malungkot dahil nga sa kanyang kinilalang ama-amahan.



Nakakain siya ng madami...her appetite did not change. Pati ang preference niya sa kulay ng damit...sa sapatos...ibinigay ni Miguel ang luho niya tulad din ng isang tunay na anak.



Iniabot ko kay Miguel ang isang tseke...naglalaman iyon ng malaking halaga, bilang kabayaran sana sa nagawa niyang sakripisyo para sa aking anak pero di niya tinanggap.



"Tinanggap ko ng buong puso ang inyong anak. Di ko inisip na balang araw ay babayaran ninyo ako sa pagkupkop ko sa kanya."



Masyadong masuwerte si Miguel dahil nakapiling niya si Ashley ng matagal. Nakilala niya ang aking anak. Pinalaki niya rin ito ng maayos.



Pupunan na lang namin ng masasayang alaala ang bawat araw na nandito siya sa amin. Lalo na kapag nakabalik na kami sa Canada. 

SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon