ASALEAH'S POV
Isang araw, inutusan akong magpunta kay Ninong Samuel. Nagpadala si Papa ng lutong ulam dito. Paborito kasi niya ang patatim. Nagpadeliver siya sa LIDO pero may extra para kay Ninong Samuel. Dalhin ko daw doon bilang pasasalalamat.
Nagdingdong ako at pinagbuksan ako ng isang pamilyar na binata. Pareho kaming nagkagulatan. Inirapan ko siya pero ngitian lang niya ako.
"Nandyan ba si Ninong Samuel?" Of all people, bakit siya pa ang nakita ko? Nakakabad trip!
"Ah si Hepe..." Hepe ka dyan. Eh bakit mukhang nakapambahay siya? Dito ba siya nakatira? Di ko napansin ang tsitzu na nasa paanan ko lang pala. Nagulat talaga ako ng bigla nitong dilaan ang aking sakong ... nagsisigaw ako at muntik ko ng matapon ang ulam...mabuti na lang at nasalo ng binata. Maagap ang kanyang kilos. Inuna niyang i-secure ang ulam na dala ko kaysa saluhin ako. Secured naman talaga ang lagayan and there is no way na matatapon ito ng ganun na lang.
Buwisit! Nadapa ako.
Kumbakit ba naman may phobia ako sa tuta. Kahit cute ang tsitzu eh natakot akong bigla. Dilaan ba naman ang sakong ko. Basta, ayoko sa aso. Tatayo na sana ako pero nagkatitigan kami ng tuta sa malayo pa lang. Parang nginitian niya ako at naglabas pa ng dila... abah at pumuwesto na parang tatakbo pa sa lugar ko. Feeling niya, nakikipaglaro ako. Ano ako, mother dog?
"Halika, tayo ka na dyan..." Nakita kong iniabot niya ang kanyang kamay pero nakita ko din kung gaano kabilis ang tuta. Nagmadali akong tumayo pero di ko napaghandaang mas mabilis ang big dog sa harap ko...ngiting aso ang walanghiyang binata at bigla niya akong hinalikan pagkatayong pagkatayo ko.
Napamulagat ako! Malay ko ba na iyon ang isasalubong niya sa akin. Uhm...PAK! Shit ka! Sapo niya ang kanyang pisngi ng lumabas si Ninong Samuel.
"O, Leah... nandiyan ka pala. Meet Hector..." Napatingin ako sa pinto. Medyo nagtaka pa siya sa puwesto namin ng lalaki. Magkahawak kamay kami at masyadong malapit sa isa't isa.
"Ah yung nakahuli po sa akin..." Bigla niya itong binitiwan ng makita ni Ninong. Napangisi itong bigla at tumikhim pa. "Hector mong mukha mo..." Inirapan ko ang binata sa harapan ko. Itinulak ko pa siya.
"Ha, anong sabi mo?"
"Wala po. Hindi po kayo..." Sabay-turo ko sa lalaking kaharap ko. Nagbabanta ako na dumistansya siya ng konti sa akin.
"O bakit ka napadpad dito?"
"Ipinapabigay po ni Papa. Paborito daw po ninyo." Itinuro ko ang hawak ng anak niya.
"Halika at pumasok ka muna." Sumunod naman ako. Inirapan ko ang binata pero sumunod din siya sa amin sa sala. "Ah siya nga pala...anak ko... Sgt. Hector Abad...." Di ko kasi nabasa yung nameplate niya. Distracted kasi ako sa kanya.
"Halika, sabayan mo na kaming kumain."
"Huwag na po...hihintayin po ako ni Papa."
"Hindi...tatawagan ko ang papa mo. MInsan ka lang namang umuwi eh. Matagal ka ding hindi nakapunta dito sa amin. Kami lang ni Hector ngayon...wala ang ninang mo...halika na...Hector..."
Lumabas ang kasambahay nila at naghain sa mesa. Inalalayan din ako ng binata patungo ng dining area pero umiwas ako ng hawakan niya ang siko ko. Pinandilatan ko siya ng mata. At kumagat-labi ako na parang mangangagat ako tulad ng tsitzu nila. Naupo na kami.
"Ah...sa susunod, huwag ka nang sasama sa mga ganoong kadelikadong lakad ng mga pinsan mo." Sabi ni Ninong habang sumusubo pa lang ako. Hindi ko naman talaga trabaho iyon. Gusto ko lang iligtas si Baldo. Walanghiya kasi itong pulis na katabi ko eh. "Kumusta na ang sprain mo?"
"Okay na po. Magaling na po."
"Sa susunod ha... tatandaan mo, delikado ang ginagawa ng mga pinsan mo kaya huwag mo silang kunsintihin."
"Tatandaan ko po..."
"Buti na lang ako ang nakahuli sa iyo. Ang alin? Kung sa iba-iba yun, tiyak na..." Sabat pa niya.
"Ano? Ipapa-salvage mo ako?"
"Uy, anong akala mo sa akin? Adik to! Gusto kong matokhang...." Parang sinabi niyang talagang may namamatay kapag nakahuli sila ng adik.
"Uy, tumigil kayong dalawa ha. Nasa harap kayo ng pagkain." Para kaming mga bata na sinaway sa harap ng pagkain.
Iyon ang simula nang masalimuot na pagtatagpo namin ni Hector. Hiningi niya ang number ko pero nagdalawang isip muna ako. Para saan? Bakit?
"Bakit ko naman ibibigay sa iyo?" Tanong ko pa.
"Para anytime na kailangan mo ng tulong ko... if you are in a sticky situation, I 'll be there." Ewww, ambaduy!
Humingi din siya ng pasensiya sa nangyari. Alaga daw ng kapatid niya si Oreo... yung tsitzu. Nakawala daw ito sa kanyang kulungan. Hinatid niya ako para siguradong uuwi daw ako diretso sa bahay. Eh saan pa ba ako pupunta? Ayokong mapagalitan ulit ni Papa.
Hindi ko ibinigay ang number ko.
BINABASA MO ANG
SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)
RomanceLumaki ako sa lugar na iyon at itinuring na kakaiba. Bawal dito, bawal doon... Hindi puwede 'yan. Hindi puwede iyon. Bakit nga ba? -Asaleah