WAKING UP WITH HECTOR

188 4 1
                                    

ASHLEY'S POV



Di ko alam kung anong oras na ...titig na titig pa ako sa aking relo. Di ko yata ma-recognize ang mga numero...parang dumodoble ang paningin ko. Medyo madilim pa sa loob dahil sa makapal na kurtina. Tinitigan ko ulit...maaga pa naman kaya minabuti kong pumikit.



Tumingin ako sa paligid para tingnan ang sitwasyon ni Papa pero pagpaling ko sa kaliwa...omgggg!!! Nanlaking bigla ang mata ko. Nakangiti siya sa akin... tinalikuran ko siya. Omgggg!!! Tama ba ako ng tingin? O nananaginip lang ako? Tumingin ulit ako sa likuran... baka kasi namamalik-mata ako.



"Good morning Ashley..." Tapos kinawayan niya ako...mabuti at may nahagilap akong kumot at nagtalukbong ako. Pero huli ko nang na-realized...hubad ako. Wala akong bra pero naka-panty pa naman ako. OMGGGG!!!!! Bakit ako nandito? Anong ginawa ko? Lalong di ako makapag-isip ng mabuti. Wala akong maalala...wala akong maisip. Ahhhh, gusto kong kutusan ang sarili ko."Ashley...di ka pa ba babangon? Baka hanapin ka na ng papa mo?" Di ako makatingin ng diretso.



"OMGGGG! Si Papa nga pala." Napatayo akong bigla. Hinila ko ang kumot. Wala akong bra. Ah, saan ko ba nailagay ang bra ko...



"Ano ba, Ashley?" OMGGG! Naka-brief lang si Hector.



"Bakit ka nakaganyan?"



"Ikaw din? Bakit ka nakaganyan?" Tanong niya sa akin.



"Bakit ako nandito?"



Bakit ka nandito? Aha, aha...sa sobrang kalasingan mo...di mo na alam ang ginawa mo ate..."



"Anong hindi?"



"Anong hindi?" Ginaya pa niya ako. "Eh kung alam mo kung saan ang kuwarto mo, sana ay hindi ka dito nakitulog sa kuwarto ko."



Napalinga ako sa loob. Wala si Papa. Wala si Inday. OMGGG!!!! Ibang kuwarto nga ito. Nandoon ang bag ni Hector. Nandoon ang mga gamit niya. Patay!!! Mapapatay ako ni Papa... Napaupo akong bigla.



"Ahhhh, sakit ng ulo ko...."



"Hang – over yan, Teh. Dami mo kasing nainom...IN fairness, kailan ka pa natutong uminom ng hard."



"Huwag mo akong sigawan, Sgt. Abad."


SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon