WINDS OF CHANGE

216 1 0
                                    

HECTOR'S POV



Dumating daw si Ashley pero bigla siyang umalis. Di siya nagpaalam sa akin at ni hindi na nga nagpakita. Ako pa ang tumawag sa kanya. hindi na niya ako inistorbo. Bakit na naman kaya? Ano bang ginawa ko? Akala ko naman wala lang talaga. Nagkausap pa naman kami eh. Okay naman at di naman kami nag-away.



"Hmm, Hector..."



"Mommy bakit po?"



"May problema ba kayo ni Ashley?" Ganoong level na kami...pati magulang namin ay apektado kapag nahalata nilang tahimik kaming pareho. Madalas nila akong pagalitan dahil ako daw ang nagsisimula ng away namin kahit ang totoo, nonsense naman ang pinag-awayan namin.



"Wala po...' Sige ang kain ko.



"Kailan ba kayo magpapakasal?" Iyon pa nga ang isang problema. Nangako naman ako sa Papa ni Ashley na pag-uusapan na namin ang kasal. Namanhikan na kami pero humingi pa si Ashley ng konting panahon.



Dismayado ako sa naging desisyon niya. Why did she change her mind?



"Bakit?"



"Hector, sorry..." Kasi kailan lang naman kami nagbalikan. Natatakot daw siya. May trust issue ba siya sa akin? "NO, huwag mong isipin yan...Mahal kita."



"Anong pumipigil sa iyo?" But in the end, di ko matanggap ang mga alibi niya. Wala akong nagawa kundi pagbigyan siya.



"Bro, ganyan din si Rita noon. " Nagbreak din kasi sila at nang magbalikan ay nagplano na ring magpakasal. " Rita changed her mind already pero di ko na lang sinabi kina Mommy at Daddy. Ako ang mapapahiya." And so, what happened was... isinama siya ni Hero sa aming family out of town. Kung hindi pa nabuntis si Rita, hindi pa matutuloy ang kasal.



Iyon ang seryoso naming pinag-usapan pagkaalis ni Ashley matapos niya akong yayain going to Hongkong. I can not decide yet kasi di ko alam kung papayagan ba ang leave ko.



"Ano ka ba naman? Salamat sa suggestion..." Ang daming suggestion... matinong suggestion pero ang ipinupunto niya... buntisin ko daw si Ashley at wala na siyang maidadahilan pa para di matuloy ang kasal namin.



"Eh ano pang hinihintay mo? Anghina mo talaga." Kung may ibang paraan naman. Bakit hindi?The idea is not even good.

SWEET SEXY SNATCHER (COMPLETED AND IMPROVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon