Chapter 8: Drunk-Sick
Wala kaming pasok ngayon dahil may importante daw na gagawin ang mga Teachers namin.
Malapit ng dumilim at nagugutom ako, ako lang kasi isa dito sa bahay kasi umalis sila Mamang kaya napagisipan kong lumabas muna at pumunta sa malapit na Tindahan.
Tinanggal ko yung Eyeglasses na suot ko at inayos ang sarili ko, dibale na wala namang nakakakilala sa kin dito. Actually malabo talaga yung mata ko pero minsan hindi siya lumalabo. Ang Weird diba?
Pagkalabas na pagkalabas ko bumungad sa akin ang napaka tahimik na paligid kaya napag tantuhan kong mag lakad nalang total safe naman dito, dun nalang ako sasakay sa labas.
To be honest natatakot ako ng kunti kasi super dilim and walang ibang tao kundi ako lang.
Nang makasakay na ako ilang minuto lang ang byahe papunta sa pinakamalapit sa store. Nagbayad na ka agad ako at mabilis na lumabas.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa Store ay may nakita akong Cuo Noodles at Siopao kaya kumuha akong ng dalawang siopao at dalawang Noodles, diba ang takaw ko?
Pagkatapos kong magbayad ka agad akong lumabas sa Store at naghanap ng masasakyan pero nabigo ako dahil wala akong masasakyan dito dahil gabi na at bawal na pumasok ang Taxi sa Village, yung kanina is sa labas kasi ako sumakay.
Pwede din naman akong sumakay papunta dun kaso hanggang labas lang kaya napag isipan kong maglakad nalang para maka pag hike naman kung minsan.
Habang naglalakad naaamoy kona talaga ang mabangong baho ng siopao kaya kumuha ako ng isa at kumakain ako habang naglalakad. Ang taray diba?
Ng makarating ako sa labas ng Village nakilala agad ako ni Mamang Guard kasi Deluxe House kasi yung tinitirhan namin ni Mamang at palaging lumalabas si Mamang kaya nakilala nalang din ako ni Mamang Guard.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad, nakakagulat nga na di ako nakaramdam ng kahit kunting pagod.
Malapit na ako makarating sa bahay kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko dahil gusto kunang kumain.
Habang naglalakad ako may nakita akong isang lalaking nakahiga sa gilid ng puno kaya naisipan kong lapitan suya at baka ano nang nagyare sakanya.
Pagkalapit na pagkalapit ko laking gulat ko na si Geo pala yun, hinawakan ko siya para gisingin pero bigla kong naalala ang ginawa niya sa akin.
Alam kong masama yun pero mas masama kung iwan ko siyang lasing dito sa ginta ng kalye at baka ano nang mangyare sakanya.
Kinuha ko ang isa niyangkamay para ipasok siya sa likod ng sasakyan niya , ughhh Ang bigat netong lalaking tooo! Pero laban lang!
Napasok kona si Geo sa Likod at kinuha ko ang susi sa Bulsa niya at in-on ko yung ilaw.
"Ay! Hala siya! Gwapo naman pala tong mokong nato ehhhh! Ay hindi! Hindi pwede! Wag mong sabihang gwapo yang lalaking yan Avason! "ewan pero kinakausap ko ang sarili ko kasi totoo naman talaga eh gwapo si--AYYY HINDI NGA SIYA GWAPOOOO! LETCHENG TO!
Pina andar kona ang sasakyan at nagsimula nang mag maneho, haha! Hoy akala niyo hindi ako marunong mag maneho, pwes akala niyo lang yon!
Ng makarating na kami sa bahay kinuha ko yung pinamili ko at nilagay ko sa terrace, binuksan ko ang likod na pinto para buhatin ulit siya ng bigla niya akong sukahan! "OMG! hindi to kasama sa pag tulong ko sayo" sigaw ko sakanya as if naman sasagutin ako neto
pinasok ko na agad siya sa bahay at pinahiga sa Couch, pagka lagay na pagka lagay ko sakanya sa couch tumakbo ako papunta sa kwarto ko para magbihis, nakakadiri talaga!
Dumiretso na ako sa Kusina para kumuha ng bimpo at mainit na tubig
Dahan dahan ko siyang pinunasan ng bigla siyang magsalita "AVA? IKAW BA YAN? DIBA IKAW YUNG NERD? IKAW BA SI AVA AT SI NERD?" mahina netong tanong
Dun ko lang naalala na wala pala akong eyeglasses na suot kaya ka agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at sinuot yung Eyeglasses ko.
Ng makalabas ako nakita kong nilalamig siya kaya lumapit ako sakanya at hinawakan ang noo niya para ma siguro na di siya nilalagnat pero mali ako dahil nilalagnat siya.
Na alarma ako at kumuha ng gamot sa Medicine Bag. Ginising ko siya ng kunti para umupo muna siya dahil papainumin ko muna siya ng gamot at mabuti naman na gumising siya para uminom ng gamot
Matapos niya etong inumin humiga agad eto ulit at tumingin sa akin na namimikit na yung mata niya
"Why? W-why are you still helping me Nerd?" tanong neto bago tuluyang matulog.
Ewan ko din kung bakit kita tinulungan, siguro naawa ako sayo. Di naman porket inaway mo ako eh hindi na kita tutulungan.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Ficção AdolescenteGabrielle Luna is Avason first ever best friend that needs to leave for family matter but she promise Avason that he will come back. Avason Saschna Alvarina is a nerd but she also have this side that she already revealed herself on social media...