Election

62 0 2
                                    

Chapter  18: Election

Habang naglalakad ako papunta sa room namin medyo naiilang ako dahil halos lahat sila naka tingin sa akin pero okay lang yun alam kong masasanay din ako sakanila.

Tinuruan na din ako ni Ate kung anong dapat suotin sa pang araw araw at balance  diet pero di niya na ako tinuruan mag make up dahil marunong naman ako nun kahit papaano.

Pagka pasok na pagka pasok ko sa Classroom  bumungad ka agad sakin ang mga kaklase kong naka ngiti sakin, medyo mabigla ako dahil di ko alam kung anong meron sa ngiting yun.

"Hi Ava" bati ng isa kong kaklaseng babae

Kumaway lang ako sakanya pabalik at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa likod na kung saan andun yung upuan ko.

Ka agad kong inilagay ang Bag ko sa mesa at umupo,  mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko at ka agad etong binuksan kasi baka nag email si ate o si gab.

Napalitan ng lungkot ang mukha ko ng wala akong makitang  pangalan nila sa Screen ko,  pero ipinagsantabi ko muna yun dahil may kani kanila naman silang buhay at di naman ako ganon ka importante para i email nila palagi

Biglang tumunog yung speaker  sa whole campus na ibig sabihin may announcement  nanaman.

"Good Morning  Students, i have a very very special announcement  to you.  Since isang taon na ang lumipas at di pa napapalitan ang SSG Officers maybe it's  time to change... change for the better. May ibang studyante ang nag rerequest na Miss Avason Saschna Alvarina at si Miss Sierra Rios ang magiging magkalaban for president  and if you ladies agree  with that please come to my office ASAP.  Maybe that's  all for today GOODLUCK AND GOD BLESS. " habang sabi ng Dean namin

Ka agad akong napatingin sa mga kaklase kong nakatingin sa akin na tuwang tuwa

"Avason,  pumayag kana! " sigaw ni Mara

"Pumayag kana!!! " sigaw naman ni Marco

Madami pa akong narinig na salita mula sakanila pero binigyan ko sila ng isang napakalaking ngiti.

"Tinatanggap ko ang hamon" sabi ko at mabilis na hinablot ang bag ko at naglakad ng mabilis papunta sa Office  ng Dean

Habang paalis  ako narinig kona silang naghihiyawan sa loob pero di na akong nag abala pang lumingon dahil gusto kong maunang pumunta sa Office

Pagkarating na pagkarating ko akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng tinulak ako ng kaunti ni Sierra at nauna nang buksan ang pintuan.

Hindi na ako pumatol at sumunod nang pumasok sa Office ng Dean

"What a pleasant  surprise  akala ko matatagalan pa kayo." sabi neto

"So are you in? " tanong ng Dean

Napatingin ako ng bahagya kay Sierra bago tumango kay Dean at ganon din siya.

"So congratulations  to the both of you, it's  your obligation  to find your members and just pass the papers to me" sabi netong naka tingin samin

"Okay po" maikli kong sagot bago lumabas

Habang naglalakad ako bigla akong binangga ni Sierra na may pahabol pang sinabing " May the best Woman wins"

Tinawanan ko lang siya dahil sa inaasta niyang parang sigurado na siyang panalo siya.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now