Chapter 13: Bracelet
Hindi ko alam kung bakit gustong makipag kita ni Gab, ewan pero iba ang nararamdaman ko parang may mabigat sa loob loob ko pero di ko ma explain.
Nauna na akong dumating dito sa Park na palagi kong pinupuntahan alam niya kung saan to dahil madalas ko din siyang dinadala dito, ite-text kuna sana siya ng biglang may itim na sasakyang huminto sa harapan ko kaya pinagmasdan ko eto at tama nga ang hinala ko si Gab ba yun.
" Gab, bat ngayon ka lang? Teka may problema ka ba? Bakit gusto mong magkita tayo dito?" tanong ko sakanya
"Ava magpapaalam na sana ako sayo. "sabi niya habang naka tingin lang sa kawalan
" Ha? Anong magpapaalam? Teka nga lang Gab ano ba talagang meron? " nalilito kong tanong sakanya
"Aalis na kasi ako at baka matatagalan pa yung pag balik ko" nakayuko netong sabi
"Te-teka nga lang, anong aalis? anong matatagalan? nagbibiro kaba" aniya
Humakbang suya palapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
" Ava aalis ako pupunta akong States, tumawag si Mommy sakin kagabi kailangan kong umuwi sa States dahil nagkasakit si Daddy at ako ang maghahandle ng negosyo" nakayuko netong sabi habang pinipigilan niyang wag lumungkot yung boses niya
Hindi ko alam pero inalis ko yung kamay ko sa kamay niya at hindi ko alam anong magiging reaksyon ko hindi pa totally na nag sisink in sakin.
Bigla nalang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Iiwan mo na ako? " naiiyak kong sabi
Tumango siya at dahang dahan na pinunasan yung mga luha ko
"Ava kahit malayo ako sayo pwedeng pwede mo ko tawagan at pwedeng pwede ka pa din maglabas ng sama ng loob sakin. Wala na ako dito pata protektahan ka kaya gusto kong lumaban ka wag kang magpapaapi. Okay? " sabi neto habang hinihimas ang mga pisnge ko.
"Kailan ka babalik? Gab naman eh wag naman ganito, joke ba to? Ano? " aniya
"Ava. Ava kalma ka lang, walang joke na nagaganap ngayon, maaring wala ako sa tabi mo pero lagi mong tatandaan na pwedeng pwede mo akong tawagan. Lumaban ka wag kanang magpapaapi" sabi niya habang hinihimas ang mga pisnge ko
"Mag-iingat ka Gab, promise mo sakin na babalikan mo ako. Please!" sabi ko habang humahagolgol na sa pag-iyak
"Oo, pangako babalik ako pero hindi ko alam kailan." sabi niya at may kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na kahon pero bago yun pinunasan niyo ang mga luha niyang kanina pang bumagsak. "Eto oh bracelet , mahalaga sa kin to kaya ibibigay ko to sayo para sa tuwing malungkot o namimiss mo ako tignan mo lang yan. " sabj niya habang tinatali ang dulo ng bracelet sa kamay ko
"Ingatan mo yan Ava ah, gusto ko sa pagbalik ko suot mo pa din yan. Ingatan mo yan" Pagpapaalala niya
Tumango lang ako habang umiiyak "Can i hug you Gab" sabj ko habang umiiyak
Ka agad naman akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Gab, pero kahit mahigpit okay lang yun kasi di ko alam kailan ko ulit siya mayayakap
"Aalis na ako ha? " sabi niya habang pinipigilan ang luha niya
Tumango tango lang ako pero ayaw ko talagang umalis siya
"Ava, alaagan mo sarili mo at mag ingat ka palagi" sabi neto at hinalikan ako sa noo bago tuluyang umalis

YOU ARE READING
Hidden Identity
Fiksi RemajaGabrielle Luna is Avason first ever best friend that needs to leave for family matter but she promise Avason that he will come back. Avason Saschna Alvarina is a nerd but she also have this side that she already revealed herself on social media...