Day Without Him

66 1 0
                                        

Chapter 14: Day Without  Him

Eto ang unang araw na hindi ko makakasama si Gab, ewan pero wala akong gana makipag usap kahit kanino wala akong kaide-ideya kung kelan siya babalik o kung babalik pa ba siya?

Hindi ko masabi ang nararamdaman ko ngayon basta gusto ko lang mapagisa,  mahirap kaya i let-go ang isang taong katulad niya siya ang promoprotekta sakin pero siguro oras na para tumayo ako sa sarili kong mga paa

Napagpasyahan kong wag na munang pumasok sa First Subject  ko dahil sigurado naman akong  hindi lang din ako makikinig kaya naglakad kaagad ako papunta sa  Likod ng Campus dahil tahimik dun at walang pumupunta dun.

Pagkarating na pagkarating ko sinalubong agad ako ng napakamalamig na hangin na yun ang naging dahilan para dalawin ako ng antok ko pero pilit kong nilalabanan dahil gusto ko munang pagmasdan ang bracelet  na bigay ni Gab pero nabigo ako dahil pumikit ang mga mata ko ng hindi ko namamalayan.

Nagising nalang ako ng biglang may nahulog na mansanas sa puno,  ang sakit ng ulo ko pero wala tong binatbat sa sakit na nararamdaman ko.

Ka agad akong napatayo ng makita kong Lunch na pala. Mabilis akong tumakbo dahil late na late na pala ako absent ako half of the day. Sh*t I'm  so dead!

Pumunta agad ako sa Cafeteria  para bumili ng makakain at para maka punta agad sa room para makapag tanong sa mga naging discussion.

"Oh the nerd also known as slut is here" sigaw ni Raine

Mavilis naman na tumayo si Sierra at humarap sakin habang hawak hawak niya ang water bottle  niya kaya napa atras ako ng kaunti dahil alam kuna ang gagawin niya.

Di ako nagkamali at ibinuhos niya sakin ang napakalamig na tubig kaya binitiwan ko ang bag ko at tinapon to sa gilid para di mabasa.

"Ano bang problema niyo" naiinis kong tanong

"Aba sumasagot din pala tong malanding to" naaasar na sagot ni Karyll

" Pwede ba Sierra wag na muna ngayon dahil wala ako sa mood makipag away sayo at pwede ba tigilan niyo na ako dahil ayoko ng gulo" sigaw ko sakanila

Pero nakatanggap ako ng sampal muna sakanya,  sampal na napaka sakit na muntik nang lumuwag ang tornilyo sa utak ko na masasaktan kuna siya.

Akmang gaganti ako ng sinabunutan niya ako at ng mga kaibigan niya.

Di ko alam pero di ko sila pinigilan na saktan ako siguro umaasa akong may isang Gabrielle Luna na mag liligtas sakin,  masakit lahat ng sabunot masakit pero ang kirot na nararamdaman ko ang mas masakit.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko habang hinahayan silang saktan ako ng bigla silang tumigil  at lumayo ng kaunti kaya ka agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa palibot kung si Gab ba ang nagligtas sa akin pero nabigo ako ng si Geo ang makita ko

"Sierra ano nanaman ba to ha? "tanong neto habang nagagalit

"What The Heck!  Are you out of your mind Babe?  Bakit mo ba tinutulungan tong bitch na to?" tanong neto habang naiirita

"It's  none of your business, can you stop this nonsense  Sierra stop acting  like your still five years old" sigaw neto

"OMG!  Can't you see that bitch is trying  to steal  you from me? " nanglalambot netong sabi

Di na siya sinagot ni Geo at tinulungan akong tumayo habang si Sierra naman ay naka tingin lang samin na galit na galit

"You'll  regret  this Geo! " pagbabanta neto pero walang kahit isang salita ang lumabas kay Geo tila dineadma niya lang yun

"Okay ka lang ba?" alalang tanong neto

"Oo okay lang, salamat nga pala Geo" aniya.

Tumango lang siya at ngumiti habang naglalakad kami at inaagak niya ako dahil nahihirapan akong maglakad,  di ko mapigilan isipin si Gab dahil kung andito siya sana siya yung tumulung sakin.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now