Chapter 11: Visit
I can't believe this, umabot two months ang friendship namin ni Geo and minsan nalang kami nagkakakita ni Seirra dahil dumating daw yung parents niya so yun naging tahimik yung buhay ko kahit papaano.
Si Gab naman we're still frien--best friends, palagi siyang dumadalaw sa bahay tas nanunuod kami ng movie sa bahay while eating ice cream and popcorn as in close na close na kami and si Mamang naman ayon ini-enjoy niya yung buhay niya, gala ng gala kasama mga kaibigan niya pero okay lang naman sakin yun para naman natuwa siya.
Geo and I are now close, he's good naman and sweet and i admire him for being like that.
Walang pasok ngayon kasi Saturday kaya napagisipan kong pumunta sa boutique ni Ate Alex, she's my sister pero minsan lang kami nagkikita kasi Busy siya sa career niya tas palagi siyang out of town.
Sa tuwing namamasyal kaming dalawa napagkakamalan kaming twins dahil daw magka-mukhang magkamukha kaming dalawa pero sa tuwing tumitingin kami sa salamin ay hindi naman.
Malapit lang yung Mall dito kaya di ako nahirapan mag drive kasi di din naman ganon ka traffic so mabilis lang akong dumating, ka agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko tska lumabas na ng sasakyan.
Di naman gaanong madami ang tao dito ngayon dahil maaga pa kaya sigurado akong di busy si Ate Alex sa boutique niya. Her boutique is so known in the other countries.
Pagkadating na pagkadating ko ay ka agad kong natanaw si Ate Alex na nag aarrange ng mga Bags kaya nagmadali akong lumapit sakanya para yakapin siya dahil miss na miss kuna siya.
"Ateeee! " sigaw ko habang nakayakap ng mahigpit sakanya
Naramdaman ko ang pagkabigla niya at kinapa-kapa niya ang mga kamay ko bago siya humarap.
"Oh My God! Is that you Avason? Mag ayos ka nga ng sarili mo you look like a trash!" pang aasar ni ate
Mabilis akong tumingin sa salamin at inayos ang buhok kong marang sinabunotan.
"Sooo, why are you here? " tanong neto habang patuloy pa din sa ginagawa niya
"I miss you Ate, busy kana kasi wala kanang time samin ni Mamang tska marami ng nangyare sa school ko na di ko na sha-share sayo" sabi ko habang naka yuko para kunyareng nagtatampo
Mabilis naman siyang humarap sa akin tska hinila ako papunta sa upuan.
"Look busy ako pero this is for our future naman eh for your future. Gusto ko ibigay lahat ng needs mo kasi diba sabi ko sayo nag promise ako kina Mama at Papa na aalagaan kita at ako ang tatayong Mama mo. So please baby girl intindihin mo muna ako ginagawa ko to lahat para sayo" sabi niya habang niyayakap ako
" Miss kana namin Ate eh, dumalaw ka naman sa bahay kahit minsan" malungkot kong sabi
"Okay sweetie, i will check my schedule and mag st-stay ako sa bahay for 3 days. Happy? " naka ngiting sabi ni ate na tila ba parang excited na din
Mabilis napawi ang lungkot sa mukha ko at tumingin ako sakanya na may malaking ngiti sa labi.
"Promise? "paninigurado ko na parang bata
"Promise! " sagot niya sakin na naka ngiti
Well close naman talaga kami ni ate she's like my Mama na din and alam niya lahat ng mga nangyayare sakin pero ngayon, i don't think so kasi busy na si ate and pag busy siya ayaw ko siyang distorbuhin.
Mga 5 years ang gap namin ni Ate Alex pero okay lang yun kasi pinaparamdam niya naman sa kin na hindi malayo yung gap namin.
" San nga pala si Mamang? " tanong neto
"Ayon nag eenjoy kasama mga Amiga's niya" naka ngiti kong sabi
Tumango tango lang naman si ate. Yun kasi gusto namin na mag enjoy si Mamang sa buhay niya and now she's doing it.
"So tell me sweetie, may manliligaw kana ba? " na e-excite netong tanong
"Manliligaw?! Wala pa ate noh, wala pa yan sa isip ko at isa pa wala namang magkakagusto sakin." sagot ko sakanya habang tinitignan yung mga damit na naka display
"Anong hindi maganda? Nako Avason tigil tigilan mo ako jan ah! Maganda ka sadyang di mo lang pinapakita. Eh kung tanggalin mo yang eyeglasses mo at mag ayos ka ng buhok mo at mag pasalon ka tumpak na makikita yang kagandahan mo at hindi naman nagbabase sa isura ang pagmamahal" sabi niya habang sinusukla niya ang buhok ko gamit ang kamay niya
"Ay basta ate hindi ko pa yan priority kuntento na ako sa mga kaibigan ko masaya na ako sakanila" sabi ko sakanya na naka ngiwi
"Really! OMG may kaibigan kana sweetie? Whooooo? That's a great news!" sagot ni Ate Alex na may malaking ngiti sa labi niya
" Si Gab at si Geo Ate, sila po yung mga kaibigan ko" aniya
"Gab? Geo? Are they twins?" nagtataka niyang tanong
"No ate, they're not twins but they are soo cute " natatawa kong sabi
"Luhsya! Whatever, gusto ko sila makita. Pagkauwi na pagkauwi ko invite them for dinner magluluto ako. " nakangiti netong sabi
" What?! No need ate, okay lang yun" pag aayaw ko
"No sweetie invite mo sila, i want to meet your new friends. Alam mo bang masaya akong may kaibigan kana" aniya
Tumango nalang ako sakanya para hindi na humaba ang usapan.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Teen FictionGabrielle Luna is Avason first ever best friend that needs to leave for family matter but she promise Avason that he will come back. Avason Saschna Alvarina is a nerd but she also have this side that she already revealed herself on social media...