Ako ay nahulog sa isang lalaki
Lalaking maganda ang lahi
Sa kanya ay hindi ko masabi
Ang nararamdaman na dati
Ay paghanga lang sa kanya
Na habang tumatagal ako'y nahuhulog na pala
Hindi ko naisip dati na mahal ko na siya
Hindi ko maamin-amin dahil may mahal siyang iba
Mahal niya ito na kahit ano ay gagawin niya
Mga Love Letter na nakaprint pa
Ang ingay pero andyan na si Crush kaya tigil muna
Ang sakit na makita ko siyang may gusto ng iba
Hindi napigilan ang nararamdaman ng simula
Ano pa ba ang magagawa?
Maglupasay at lumuha?
Wala na akong magagawa
Kaya na kahit anong gawin ko
Hindi pa rin ito magbabago
Na kamag-aral at kaaway niya lang ako
Ang turing ko sa kanya ay kaibigang masasandalan
Ay Mali bilang lalaking aking magiging kasintahan
Oo, siya ay aking pinagpantasyahan
Na kahit sa panaginip ko
Siya pa rin ang laman nito
Pero tama na ang mga taong ako ay naging tanga
Tanga na ipinagsisiksikan ang aking sarili
Sa isang lalaki na "Ayoko sayo"ang palaging sinasabi
Sa aking hinangaan ng 4 na taon
Lumipas na ang panahon
Tama na siguro yung mga taon
Nang dahil sayo naging tanga ako
Nasaktan ako ng paulit-ulit
At bumangon na pinipilit
Na tuldukan ang pait
Pero ito ang sinapit
Lumuluha dahil sa sakit
Dati ako ay nangako
Na ang aking puso
Ay hanggang huli ay Sayo
Hindi binitiwan ang sinambit na kataga
Ganon pala ako katanga
Hinayaan kong ako ay mabulag
Sa pag-ibig na ako'y binihag
Ako'y nahulog ng walang sumalo
Noong una ay nasaktan ako
Pero ang sabi ko babangon ako
At ipapakita sayo kung sino ang sinayang mo
Pero wag na dahil hindi ka karapatdapat dito
Kaya ito lang ang masasabi ko
Hindi ako perpekto pero gagawin ko
Ang makakaya ko wag lang ulit maging uto-uto.Kayo na ang humusga sa aking unang tula.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga tula mula sa aking nararamdaman. Mga tula mula sa aking pag-iyak hanggang sa pagtahan. Mga tula na naglagay ngiti sa aking labi. Mga tula na naglagay ng lungkot sa aking puso.