Noong una ay umasa ako
At hanggang ngayon umaasa pa rin ako
Sa mga posibilidad na meron pa ring tayo
Tayong hindi totoo, ang tayong merong ikaw at ako
Maraming pagpapantasya
Mga pantasyang masaya noong una
Sayang meron pa tayo sana
Sinumulan at tinapos na parang wala
Walang tayo
Dahil unti-unti kang lumayo
Gusto kong magpaliwanag
Ngunit hindi hinayaang ihayag
Kaya hanggang ngayon ako'y bihag
Bihag ng relasyong parang hindi
Hindi ko kasi inaakala na ganto ang mangyayari
Nangyari na ito ngunit hindi pa rin nasabi
Kapag ika'y nakikita hindi ako mapakali
Gumawa tayo ng mundo
Pero nasira dahil hindi makita ito
Mundo tayo lang dalawa
Tayong ngayon ay wala na
Wala na dahil nagpabaya tayong dalawa
Pinabayaan ang tayong hindi sapat
Hindi sapat ng dahil walang tamis pero merong alat
Dahil na rin hindi tayo karapat-dapat
At sa pagmamahal sa isa't-isa tayo'y salat
Itigil na natin itong ating kahibangan
Kahibangang aking kahinaan
Kahinaan na ika'y aking mahal
Mahal na gabi-gabi akong hindi pinapatahan
Ngayon ay tutuldukan ko na
Ang paghihirap nating dalawa
Na hindi na natin ito maiiwasan pa
Kaya mahal hanggang dito na lang
Itigil na natin ang ating mga tinginan
Tinginan para ipahatid na meron pa
Meron pa tayong pag-asa
Ngunit ang katotohanan na
Ang nagsasabi na tayo ay wala na
Kaya mahal dadalhin ko ang tayo
Tayo naging inspirasyon ko
Salamat dito at sa pagmamahal mo.
Wala ako gustong sabihin kundi na sana ako ay maging parte rin ng kanyang iniisip.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga tula mula sa aking nararamdaman. Mga tula mula sa aking pag-iyak hanggang sa pagtahan. Mga tula na naglagay ngiti sa aking labi. Mga tula na naglagay ng lungkot sa aking puso.