Sa simulang pagbuhos ng ulan
Ikaw, ikaw ang aking dasal
Sa paglubog ng araw at paglabas ng buwan
Ikaw, ikaw ay akin ng papakawalanRamdam ko ang iyong kalungkutan
Ramdam ko ang iyong kasiyahan
Ngunit bakit hindi ko napansin, na ika'y nagsasawa na?
Na hindi na tulad ng dati ang mga salitang, 'tayong dalawa'Muli kong inalala, yung mga sandaling masaya ka pa
Yung mga sandaling iniisip kong masaya ka
Masaya ka... masaya ka nga ba?
O sadyang ako lang itong nag isip na masaya ka?Pagpasok sa silid aralan, sa unang araw ng eskwela
Una kong nakita ang iyong mga ngiting nakakairita
Isa isa tayong nagpakilala, doon ko nalaman ang iyong ugali
Doon kita unang pinagmasdan ng mabutiAng mga unang araw na hindi tayo magkasundo
Mga araw na palagi tayong tapunan ng tukso
Mga araw na sigurado akong hindi ako mahuhulog sayo
Panahong di ko inakala mabubuo ang mga salitang 'ikaw at ako', sa 'tayo'Sa mga araw na nagdaan, ang aking paghihirap
Ang pag iwas sa'yo ay hindi kaya ng aking puso, ngunit aking sinisikap
Ang mahalin ka ay aking gusto at pangarap
Ang mahalin mo ay aking paglipad sa alapaap at mga ulapKatulad ng ibang nangangarap, ang sa aki'y hindi rin natupad
Ngunit kahit ika'y pinahiram lamang, ako'y mapalad
Na kahit hindi tayo ang para sa isa't isa
Maraming oras na ang ibinigay sa akin para mahalin kaAt sa oras na ito, ihinahanda ko na ang puso ko
Dahil alam ko, darating tayo sa puntong ito
Hindi ko man masabi ng harapan, ngunit alam mong masaya ako
Kahit alam kong, ang tayo ay magtatapos na ditoGusto ko sanang tanungin, kung naging masaya ka ba?
Alam kong hahanapin ko ang iyong mga ngiti at tawa
Ngunit sa pagkakataong ito, malaya ka na
Muling sumilay ang ngiti sa aking labi at tumulo ang luha sa'king pisngiSa pagdilim ng kalangitan, ay ang pagbuhos ng aking luha't kalungkutan
Sa pagliwanag ng buwan, ay aking pag alala sa ating nakaraan
Sa paghampas ng tubig sa pampang, ay pagngiti ko ng dahan dahan
At sa muling pagbuhos ng ulan, ika'y tuluyan akin ng pinakawalan
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga tula mula sa aking nararamdaman. Mga tula mula sa aking pag-iyak hanggang sa pagtahan. Mga tula na naglagay ngiti sa aking labi. Mga tula na naglagay ng lungkot sa aking puso.