Ikalawang Letra: Kathang-isip

50 9 0
                                    

Minsan ako ay nanaginip
At paggising ko'y ito pa rin ang nasa isip
Ngunit ako'y napaisip
Baka ito ay isa lamang kathang-isip
Ngunit dahil sa kathang-isip ako ay sumasaya
Na kahit sa klase ako'y napapatawa
Hindi nila mabatid kung ako ba'y may sira na
Sa tuwing ako ay gumagawa ng mundo
Na ako lang nakakaalam ng totoo
Na dahil sa kathang-isip
Ako'y nakakatakas sa katotohanan
Na ako'y hindi niya mahal
Na siya ay palaging pinagpapantasyahan
Sa ilalim ng araw
Siya ay aking tinatanaw
Minsan ay napansin ang kanyang galaw
Sa isang babae siya ay nanligaw
Noong una hindi matanggap
Na dati ako ay nasa ulap
Pagpapantasyahan na parang lumilipad sa alapaap
Meron ka na palang pinapangarap
Ang pag-ibig ay naghatid
Naghatid sa puso ko ng lamig
Lamig kaya ngayon hindi pa rin umiibig
Hindi ko naisip
Na ang mga kathang-isip
Magiging dahilan ng sakit
Sakit na maalis
Noong una ako'y tumakbo ng mabilis
Para ika'y maabutan ngunit ikaw ay lumihis
Lumihis para siya ay maabutan
Maabutan ang pinapangarap at iyong mahal
Noon ako'y nangako
Iwawaglit sa aking puso
Ginawang kathang-isip na hindi totoo
Sa kathang-isip na merong ikaw at ako
Pero tama na titigil na ako
Pero sa sandaling ito
Sasabihin ko sa inyo
Ang kathang-isip ay nagpapasaya
Saya na kung pwede sana ay totoo na
Ang mga kathang-isip na sa akin ka sana
Titigil na ako at ipapangako
Na hindi na ako
Aasa sa ikaw at ako.

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon