Ika-apat na Letra: Ang Ating Kwento

18 5 0
                                    

Ako'y sayo at ikaw ay akin
Iyong pinangakong ako'y itong mamahalin
Pinangakong pag-ibig ko'y hindi sasayangin
Pinangakong ako'y papasayahin

Maraming tayo'y nagtampuhan
Ilang beses kitang pinagdudahan
Ngunit palagi kang nasisiyahan
Ako ba'y iyong mahal?

Maraming beses ng naghinala
Ilang beses na ring ang hinala ay tumama
Pero ako itong si Tanga
Na umaasa sa isang tulad mong Paasa

Ano nga ba ang aasahan ko?
Eh, ikaw itong si Gago
Si Gagong  napa-ikot ako
Ako naman itong si Uto-uto

Nangakong ika'y akin
Pero bakit wala ka sa'king piling?
Nangakong hanggang dulo ako'y mamahalin
Kahit man mundo'y kalabanin

Ngunit ngayon wala ka na
Bakit nag-iba?
Ang sabi mo'y ako'y mahal mo na
Pero nagbago dahil kaaway ng pamilya mo ang aking pamilya

Paano ko ba isasalba,
Ang ating mga alaala?
Bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita?
Ika'y umalis, sana pati ang puso ko'y sinama

Hinahintay pa rin kita
Kahit di mo maipaglaban ang itong nadarama
Kahit ako'y luluksa
Sa itong paglisan at pagkawala

Ipagsisigwan kong Mahal Kita
Kahit hindi man ako ang mahal mo talaga
Ayos lang ako, kahit ako'y patuloy na umaasa
Na darating ang panahon na ika'y makakasama

Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko
Hindi mo man magawang mahalin ang isang tulad ko
Huwag kang mag-alala dahil sa'yo pa rin ako
Kahit hindi na ako diyan sa puso mo.

-MYW.®

Dito ko na tinatapos ang tulang ito, sana ay magustuhan niyo.

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon