****Yuhan****
Nagbihis na ako, panibagong umaga nanaman. Suot ang maroon na polo at ang tag nito, ako ulit si B-99.
Hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip kung ano ang magandang plano, habang nag iisip kasi ginagambala ako ng mga nangyari kahapon. Bakit hindi parin ako maka move sa halik na yon?
Sya rin kaya?
Arg! Ano bang iniisip mo Yuhan? Nababaliw kana ba? Halik lang yon! Dapat pala di ko nalang yon ginawa.
Hays, ginawa ko nga yon hindi dahil aa gusto ko kundi dahil sa kailangan para di maghinala ang mga nagbabantay sa CCTV.
Lumabas na ako, nagulat ko ng tumambad sa mukha ko ang naka ngiseng mukha ni A-99. Anong kailangan nya?
Tinignan ko lang sya.
"Di mo ba ako patutuluyin?"
I smirk.
"Bakit? Sino ka ba? Bakit ako magpapapasok sa kwarto ko? Hindi ako tanga, kilala ko na mga taong gaya mo."
Pumasok sya sa pinto at nagwika.
"Andami pang sinasabi."
"Lumabas ka nga."
Humarap ako sa kanya, nakaupo na sya sa kama ko.
"Ayoko."
Pagmamatigas nya.
"Bawal ang babae sa kwarto ng mga lalaki kaya umalis kana."
Tumingin sya sa mata ko, bagay sa kanya ang unipormeng suot nya.
"Fuck that rules, batas nga ng Diyos nilalabag natin dito batas pa kaya nila? Come on! Alam kong hindi yan ang dahilan, si Axelle ba? That weak girl?"
Ano bang pakialam nya sakin? Samin? Maya maya ay tumayo sya at lumapit sa akin.
"You dont deserve them B-99, kung gusto mong makalabas dito ng buhay at may mataas na puntos... Sa akin ka sumama."
"Anong pinagsasabi mo?"
Pasalungat kong tanong.
"The point is, magaling kang pumatay at marunong din ako non. Unlike those poor kids na kasama mo, madadamay ka lang sa pagiging duwag nila!"
Ngumise ako.
"Tapos kana ba?"
Nanlaki ang mata nya, agad nya itong ibinalik sa pagiging mataray na sadyang karakter nya.
"Sige, bago ako umalis may gusto akong ipakita saiyo."
Inilabas nya mula sa kanyang bulsa ang isang papel, ito ang klase ng papel na kubg saan nakalagay ang tag ng taong nabunot nya.
"B-2"
Nanlaki ang mga mata ko, hinawakan ko ang braso nya bago sya makalabas.
"Wag na wag mo syang gagalawin."
"Bakit? Anong gagawin mo? Papatayin mo rin ako? Kaya mo?"
Umalis sya ng nakangiti na syang nagpalala ng inis ko. Walang hiya ka talaga A-99.
Sasabihin ko ba ito kay Axelle? Hindi, matatakot yon. Ngunit alam nya naman na may nakabunot na sa kanya kaya naman kung sasabihin ko atleast mas makakapag ingat sya.
Nag ayos muna ako, humangos muna ako bago kumatok sa pintuan nya. Nag-iipon ng lakas ng loob upang maidampi ang aking nakakuyom na kamao sa pinto.
Babahagyang dadampi na ito ay sya namang pagbukas ng pinto na syang ikinagulat ko.
YOU ARE READING
Allison University-School Of Killers
Mystery / ThrillerBe a licensed killer! "You are not a psychopath, you're a hero." Welcome to Allison University! (AUSOK)