Chapter 14: Mission

1.8K 105 7
                                    

****Axelle****

Habang papalapit sa mga kwarto namin, iniisip ko parin ang kanina. Ayoko, hindi ko kaya. Sasabihin ko kay Yuhan na hindi ko kayang gawin ang pinagagawa nya.

"Ayos kalang ba?"

Tanong sa akin ni Kaye na kanina pa pala nahahalata ang pagka balisa ko.

"Iniisip ko lang yong kanina."

Alam kong tama sya, sa ginawa ko mas mapapahamak ako. Kung ipagpapatuloy ko pa ang pag tulong kay Yuhan, mapapahamak ako lalo.

"Pasok na ako."

Sambit ni Kaye. Tahimik kaming naglalakad ni Yuhan, nag iipon ako ng lakas ng loob para tanggihan ang napag usapan.

Tahimik ang paligid, tila ba nagpapakiramdaman kami habang papalapit ng papalapit sa mga kwarto namin.

Huminto na ako sa paglalakad nang makarating sa kwarto ko at nag simulang mag wika.

"Yuhan, may sasabihin ako."

Tumingin sya sa akin, itinaas ang kilay na na kahit hindi sya magsalita alam kong nagtatanong na sya kung ano ang sasabihin ko.

"Kasi..."

Kaya ko to, maiintindihan nya naman ako.

"Gusto ko sana na tumanggi sa alok mo, kasi Yuhan natatakot ako. Hindi ko kayang gawin ang pinagagawa mo, pasensya na talaga."

Nag iba ang hitsura at aura nya, naging seryoso ito. Tumango sya at pumasok na sa kwarto nya, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mukha nya. Galit kaya sya?

Pumasok na ako, nagbihis at nagpahinga. Nahiga ako sa maliit kong kama habang iniisip parin kung bakit sya nagka ganon, mukhang na dismaya sya. Ansama ko, hindi ako marunong sumunod sa usapan! Padalos-dalos kasi ako kung mag desisyon.

****Red Luxx (A-36)****

Nagtipon tipon ang lahat ng miyembro ng grupo na aking binuo, ang Kllrx. Lahat ay nagulat sa pinagbago ng Monitor.

"Anong nangyari?"

"Bakit nawawala si Norylene"

"Sinong may gawa nito?!"

"Kailangan nyang magbayad kung sino man sya!"

Mga hinaing nila na nakapagparindi sa tenga ko kaya naman sumigaw na ako.

"Manahimik!"

Binalot ng katahimikan ang apat naaulok ng abandonadong science laboratory. Dito kami nag pupulong pulong upang pagplanuhan ang lahat.

"Alam kong alam nyo na, ang nag iisang babae sa grupo ay wala na. Ngayon, gusto kong alamin nyo kung sino ang may gawa nito."

Seryosong pagkakasabi ko. Gabi na at kapag ganitong oras, Kllrx lang ang may kakayahang lumabas kung mayroon mang iba, hindi na nya masisilayan ang umaga.

"Kanina, nakita ko silang nagkasagutan ni A-83 (Zora Mallari), nag laban sila at nakita kong napatumba nya si Norylene..."

Naputol na sambit ni Maike (B-49) nang sumabat si Karlus (A-69).

"Edi sya nga, eh pano yan? Alam nating lahat na sya ang nangunguna, mahihirapan tayong paslangin sya."

Ngumise si Maike (B-49).

"Patapusin nyo kasi ako, hindi si A-83 (Zora Mallari) kundi si B-2 (Axelle Esguerra). Oo isang baguhan na B kagaya ko, may iilang puntos ngunit tinira nya ng patalikod si Norylene, ganon sya katapang."

Agad akong lumapit sa kanya dahil sa nalaman ko.

"Nakita mo pala, bakit hindi ka tumulong?!"

Natigilan sya, kahit kailan duwag ang mga baguhan. Naduwag sya dahil sa nakita nya, napatay ng baguhan si Norylene at baka kampihan ito ni A-83 na syang nangunguna sa ranking.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now