Chapter 15: The missing plate

2K 144 10
                                    

****Carser****

"What just happened?"

Malandi kong tanong kay Yuhan na tila ba binagsakan ng langit at lupa ang mukha at nakapako sa kinatatayuan ang paa.

"You dont need her, she needs you and you need me, not her. Kawalan nya yon, akala mo kung sinong magaling."

Patayin ko kaya yon? Sayang ng points eh, kung hindi lang dahil sa pagpipigil sakin ni Yuhan, tandaan mo B-2 hindi pa tapos ang week na to at hindi pa tapos ang school year.

"Magsasalita ka ba o ano?"

Asar na tanong ko kay Yuhan. Siguro hindi nya na ako pipigilan ngayon.

"Patayin ko na sya?"

Tumingin sya sa akin, naglakad papunta sa likuran ko saka nagwika.

"Wag mo syang gagalawin, ako ang makakalaban mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, ano bang meron sa kanila ng babaeng yon? Bakit over protective sya? Bakit parang, mahal nya si B-2?

No...

No...

Hindi pwede, hindi pwede mangyari yon. Akin sya, sa akin sya mapupunta hindi don sa cheap na girl na yon.

Lumingon ako sa naglalakad na Yuhan nang may naisip akong plano.

"Alam kong hindi moko kayang patayin."

Sigaw ko sa kanya habang sya ay walang hinto sa paglalakad sa thoroughfare.

Patayin ko si B-2, magagalit sya... Magagalit lang sya but after non? Ako ang natira, he has no choice but to choose me. Napakatalino ko talaga.

Agad kong pinuntahan si B-2 sa canteen. Inabutan ko syang nakatulala habang nakatingin sa labas. Umeksena ako sa paningin nya.

Sinaksak ko ang kutsilyo ko sa lamesa na nasa harap nya na kumuha ng atensyon nya.

"Hindi mo ba nahahalata? Talo kana, sa numero palang. 2 saka 99? Sa letra palang. A saka B?"

Nakatayo ako sa harap nya habang nakatingin sya sa akin ng matalim.

Sinundan nya ako ng paningin nya habang paupo ako.

"Tantanan mo na ako."

Mataray na pagkakasabi nya, akala mo kung sinong matapang at magaling asa lang naman kay Yuhan.

"If you think na matatakot ako sayo sa napatay mo ang isang miyembro ng Kllrx, nagkakamali ka. Napatay mo lang hindi mo pinatay."

Tinignan ko sya ng matalim, inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.

"Layuan mo si Yuhan, tatantanan kita. Isang lapit mo pa, patay kana."

Tinanggal ko ang kutsilyo sa lamesa, tumalikod nang bigla akong natigilan.

"Sayong sayo na, atat na atat ka sa taong hinahabol habol ako. Sya ang sabihan mong lumayo dahil sya ang lapit ng lapit."

Tumayo sya sa kinauupuan nya, naglakad papunta sa harapan ko. Habang nakataas ang kilay ay tinignan nya ako mula paa hanggang sa mata ko.

"Tabe!"

Sigaw nya bago naglakad papalabas sa canteen. Akala mo kung sino, sige i-enjoy mo ang araw mo dahil malapit ko ng tapusin ang buhay mo.

Napansin kong nakatingin sa akin ang mga kumakain sa canteen.

"Bakit?!"

Bumalik sila sa mga ginagawa nila matapos kong sumigaw.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now