Chapter 5: Friends?

2.5K 116 1
                                    

****Axelle****

Sya?

Muli akong tumingin sa field, nag lakad sya papalapit kay A-45 na putol ang braso at ini-inda ang sakit at kirot nito.

Ranking:
A-16 --- 170 --- 1st place
A-83 --- 135 --- 2nd place
A-99 --- 100 --- 3rd place

"Bakit ba ang hilig mong mang-agaw?"

Sigaw ni A-99 kay Alexia Quezada o A-16. Pinugutan ni A-16 ng ulo si A-45 kaya naman ganoon ang nangyare sa scores sa ranking.

Lahat ay nabigo, akala nila isa kina A-99 at A-45 ang mananalo pero biglag sumingit ang isang to. Nakakadalawa na sya ngayong araw palang, hindi nakapagtatakang sya ang nangunguna.

Sino kaya si A-83?

"Halika na."

Pag-aaya sa akin ni Kaye, medyo nandidiri pa sya pero pinipilit nyang tanggapin ang sitwasyon.

Sa paaralang ito, libre ang pagkain. Pwede kang pumunta sa canteen to pick foods, nasa saiyo rin kung papasok ka sa subjects. Pero kami, hindi dapat maging relax dahil hindi namin alam kung sino ang nakabunot sa amin.

Hindi nakapagtatakang sa bawat bag na dala nila ay naglalaman itong patalim at kung ano ano pa.

Nakakabwesit ka Allison! Sya yung presidenteng nagpatayo ng AU-SOK, may sakit ata yun sa pag-iisip.

Dahil sa lubhang nakakatulong daw ay hindi na ito inalis pa.

Habang naglalakad ay tumingin tingin ako sa paligid, sa sobrang lawak nito... Ano pa kaya ang mga hindi namin nakikita at natutuklasan sa paaralang ito?

****Mr. Hanay****

"Gumagawa na ng pangalan si B-99 o Yuhan Callejo sa ranking. So far sya ang pumapangalawa sa Group of Bs."

Sambit ko kay Principal, sinabe ko iyo dahil pamilyar sa amin ang apilyedong Callejo.

"Callejo? Nagkataon lang bang pareho sila ng apilyedo?"

Tugon naman ni principal.

"Yan din ho ang iniisip ko, posible kayang magkamag anak sila? Sinubukan kong hanapin ang family background ni B-99, walang impormasyong lumalabas parang isa syang tagong tao na may tagong trabaho rin, at maaring ang trabahong ito ang dahilan kung bakit walang ibang impormasyong nailabas sa kanya bukod sa school background."

Pagpapaliwanag ko sa kanya. Kung magkataong magkamag-anak sila ni X-25 ay magkakaproblema kami.

"Wala pa naman syang ginagawang dapat nating ipag-alala, at aalalahanin mong hindi aabot ang lakas nya sa kapangyarihan ko. Subukan nyang gumawa ng aksyong hindi ko magugustuhan, mas mahirap pa ang dadanasin nya kaysa kay X-25."

Ngayon ko lang nakita na ganito sya ka seryoso mag salita, napaka anonymous din ng pagkatao nya. Sa lahat ng staff at student ay ako lang ang nakakausap nya, at lahat ng napag-uusapan namin ay dapat na manatiling sikreto.

Sino ka ba talaga, Yuhan Callejo (B-99)? Anong pinaplano mo?

****Yuhan****

Kakaiba ang mga babaeng iyon, paanong nakakaya nilang gumalaw ng ganun at pumatay ng ganun? Ibang klase.

Habang suot ang uniform ng school na ito ay naglalakad lakad ako sa mga corridors habang nakasabit sa isang balikat ang bag. Maya maya ay nakita ko nanaman si A-99.

May naisip akong plano.

"A-99."

Cold na tawag ko sa kanya, hindi talaga ako marunong mag approach sa mga tao dahil sanay akong hinahabol sila ng walang salitang binibitawan.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now