Chapter 23: The Revelations

1.4K 102 22
                                    

Hi guys, I hope na na-eenjoy ninyo ang storyang ito. Sana ay suportahan nyo ito hanggang sa katapusan, please recommend this to your friends.

Don't forget to vote. Pasensya na po sa mga typographical errors, may pagkabulok kasi ang gamit kong cellphone.

Thank you po!

-Yuhenyo

_________

Chapter 23: The Revelations

Hindi ako sigurado sa ginagawa ko, at wala akong pake kung tama ba ito o mali. Ang mahalaga, kahit sa ganitong paraan ay may magawa ako para sa kanya.

Para kahit paaano ay maramdaman mong mahal kita, anak.

****Axelle****

"Imposible! Hindi yan totoo, sabi ni mama patay na ang tatay ko."

Sabi ko matapos sabihin ni Zora na anak ako ni Allison, ang may-ari ng paaralang ito at pinatibayan pa ni Denver na isa sa mga inutusan ni Allison, ang Director na nasa tuktok ng forbidden building.

Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya.

"Hindi rin ako makapaniwala nong una pero yon ang totoo! Sina Alexia, Josephine at Denver ay assets ng paaralang ito upang mas mapaganda ang takbo ng kwento."

Pagpapaliwanag ni Zora, habang ako ay iniisip ko kung papaano nangyare iyon.

"Kaya pala."

Napatingin ako nang biglang magsalita si Wilbert.

"Bakit?"

Tanong ko sa kanya.

"Kaya nga ako nagtataka kanina, kasi matagal ko na syang nakikita. Yon pala, hindi sya umaalis."

Natulala nalang ako, hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko.

"So all this time, naglolokohan tayo dito?!" Sigaw ko sa kanila.

"Hindi yon, kailangan ka lang nilang proteksyunan."

Agad na singit ni Zora.

"Kaya ba hinarang ni Josephine ang bala na para sa akin at sinugal ni Alexia ang buhay nya para mailigtas ako?! Bakit ganoon?! Hindi ko maintindihan!"

Yumuko nalang ako sa mesa. Hinimas ni Wilbert ang likod ko.

Bumangon ako mula sa pagkakayuko, tumingin ako kina Zora.

"Bakit ngayon nyo lang sinabi ito? Bakit naglihim kayo?"

"Sorry Axelle."

Nakayuko rin nyang sambit. Huminga ako ng malalim.

"Hindi ko na alam."

Hindi ko tatay ang director ng paaralang ito, napaka imposible. Hindi maaari. Ayoko ko.

Agad akong tumayo.

"Saan ka pupunta?"

Nilingon ko si Zora.

"Aayusin ang lahat ng gulo."

Umalis na ako bago nya pa ako pigilan, sabi ko na ngaba at may nililihim sila. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nya pero kailanan kong malaman ang totoo.

Hindi ko na nakilala ang tatay ko, yon pala buhay sya. Nang dahil sa kanya ay naghirap kami ni mama, araw araw kailangang mahirapan ni mama para lang mabuhay kami at dahil din sa kanya kung bakit muntik na akong mamatay at namatay ang mga kaibigan ko.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now