Chapter 9: X-25

2K 112 6
                                    

Sorry for the long wait (kung may nag hihintay man hahaha) Heyy! Update nanaman po, are you ready to know Yuhans secret mission?
~Giii
_______________________

****Axelle****

Pakiramdam ko mahihimatay ako, parang nakatingin sa akin ang lahat. Nanlalamig ang buong katawan ko.

Umagaw ng atensyon ko ang tunog na nagmumula sa Monitor, isang senyales na may pumatay nanaman at sa sitwasyong ito ay ako yun.

Ipinanganak akong matapang ngunit hindi mamamatay tao, ano itong nagawa ko?

Habang nakatayo at nakatingin sa katawan ng isang babaeng naka handusay sa harap ko. Wala na itong buhay, nakatingin sa akin ang lahat ng nandito sa canteen, pati mga naka upo at kumakain. Hindi ko sinsadya!

"B-2, anong nangyare dito?"

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakitaan ko si Yuhan ng pag-aalala. Marahil ay nakita nya ang puntos ko sa Monitor kaya agad nya akong hinanap.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong naman ni Kaye na kakarating lang din, inabutan nya ako sa may gilid ng glassdoor ng canteen.

"H-hindi ko sinasadya, nakaupo lang ako ng biglang..."

"Biglang ano?!"

Sambit ni Kaye na may kaba at pag-aalala sa mga mata.

Flashback

Bakit parang ambilis naman yatang naging sila ni Cedrick? Sandali, bakit ba ako nagtataka? Noon palang naman ay talagang ganun na si Kaye, maraming manlikigaw at maraming nilalamdi. Hindi konaman sinasabeng pokpok o malandi sya, trip nya lang siguro yung hindi magseryoso.

Mga bulong ng isip ko habang nandito ako sa air-conditioned na canteen nila, mistulang 7/11 ang itsura nito na mas malaki nga lang. Nakaupo ng mag isa habang sumisip sip ng Chucky. Libre lang naman eh kaya nakaubos na ako ng dalawa.

Maya maya ay may ingay na kumuha sa atensyon ng lahat, may isang babaeng tumakbo papasok ng canteen, nakahawak ito sa braso nyang may dugo habang sumisigaw ng tulong.

"Tulungan nyo ko, shes after me!"

Napatayo ako dahil sa tila umiiyak na sya sa takot. Sya si B-46 (Amber Lie) maya maya ay nakita kong papasok na ang isang babae, A-67; may dala itong matalim kutsilyo na may dugo, mukhang sya ang may gawa nito kaya naman agad akong nag isip ng plano.

Upang makatakas si B-46 (Amber Lie) at ako ay hahayaan ko munang nakapasok si A-67 at saka ko sya titisudin at hahawakan ko si B-46 (Amber Lie) upang maka-alis na kami.

Nung makapasok sya, galit na galit nyang tinakbo ang direksyon ni B-46 (Amber Lie) kaya naman tagumpay, tinisod ko sya at hinawakan ko ang kamay ni B-46 (Amber Lie) ngunit hindi ako nakatakbo.

Nabitawan ko ang kamay ni B-46 (Amber Lie) at natulala nalang sa babaeng naka handisay sa harap ko.

Dumaloy ang dugo sa tiles, hindi ko sadya.

Hindi ko sinasadya!

Nadapa sya dahil sa pantitisod ko at natusok ang mata nya ng kutsilyong hawak nya, na wasak ang mata nya at doon lumabas ang dugo.

Maya maya ay dumating na si Yuhan kasunod si Kaye.

End of Flashback

"Hindi ko alam! Masyadong mabilis ang mga nangyare! Hindi ko sinasadya."

Batid kong gustong lumapit ni Kaye sa akin ngunit natatakot sya, halimaw na rin ba ako sa paningin nya?

"Kaye, hindi ko sinasadya!"

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now