Chapter 22: Ready or Not

3.2K 169 105
                                    

****Axelle****

"Anong nangyare?"

"Ako ang kapatid na hinahanap nya."

Nanlaki ang mgata ko, hindi ko alam ngunit tumulo ang luha sa mga mata ko. Agad naming hinanap si Yuhan, ngunit hindi sya matagpuan.

"Nasaan na kaya sya?"

Tanong ko.

"Napakalaki ng paaralang ito, magkikita rin kami. Matagal na akong nangungulila sa kanya, ano na kaya ang kalagayan nya? Gano kaya kahirap ang pinagdaanan nya?"

Niyaya ko syang maupo na muna sa may bench.

"Hirap? Bakit?"

Hinihingal kong tanong.

"Hindi nya pala naikwento saiyo?"

"Ang alin? Hindi, wala syang kinukwento sa akin."

Nagsimula syang makwento ng tungkol sa kabataan nila, lahat ng pinagdaanan nila.

"S-sandali? Nangangalakal kayo sa lugar na iyon?"

Tanong ko sa kanya nang maikwento nya ang tungkol sa pangangalakal nila paminsan-minsan.

"Oo, bakit?"

"Doon kami nakatira, doon ko rin nakilala ang batang nagtanggol sa akin mula sa pang bubully."

Lumapit sya sa akin.

"Ikaw yon?"

Tanong nya, hindi ko makita ang reaksyon nya dahil sa maskara nya.

"Ang alin?"

"Ikaw yong batang iniligtas nya."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Iniligtas ka nya noon, napakaliit ng mundo. Naging crush ka nya after non."

Imbes na magtaka ay natawa ako.

"Ano bang sinasabi mo kuy--."

Naputol kong sabi, muntik ko na syang matawag na kuya. Nakakahiya, baka isipin nya feeling close ako masyado.

_____

(15 minutes before the annual ready or not, at naglalakad si Axelle papunta kay Alexia lara sunduin ito.)

Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig kong nag uusap ng masinsinan sina Zora at Alexia.

"Kailan mo sasabihin sa kanya?"

"Hindi ko pa alam, tapusin muna siguro natin ang Killer Games."

"Pero magagalit sya, magugulat, baka anong magawa nya."

"Alam ko. Pero darating din ang araw na malalaman nya."

Habang nakikinig ako ay dumating na ang mga kasamahan namin.

"Axelle, bakit antagal nyo? Magsisimula na."

Kumatok ako kunwari at pumasok. Muli ay nakita ko nanaman ang gulat sa mukha nila.

"K-kanina ka pa ba?"

"Hindi, kakarating ko lang. Bakit?"

Painosenteng tanong ko sa kanila. Minabuti kong itago ang nalalaman ko, si Zora nalang ang tatanungin ko mamaya.

"W-wala, tara na?"

Tanong ni Exia.

"Sigurado kang kaya mo na ah."

Tumango nalang sya.

_____

Pumasok na ang apat na grupo sa Arena, doon nag-aabang ang ibang estudyante na hindi nakapasok. Nagsisigawan ang mga ito habang papasok kami.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now