Chapter 21: Seek and Kill

2.1K 113 25
                                    

****Axelle****

Napasigaw ako sa iyak. Inialay ni Josephine ang buhay nya para sa akin, pero bakit?!

Nilapitan ko sya at nakita ko ang isang lalaking papatakas, agad ko itong hinabol. Lumabas ako sa room at sinalubong sya.

Natigilan sya.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Oh ano? Ngayon nakaharap na'ko naduduwag kana?"

Kinuha ko ang lubid sa may paahan ko, nilapitan ko sya. Tinutukan nya ako ng baril, habang nakatutok sa akin ang baril nya ay dahan dahan kong binuhol ang dulo ng tali.

"Ano ka ngayon! Sa akin na ang mga puntos mo!"

Ipuputok na nya sana ito ng hampasin ko ang kamay nya ng lubid, tumama ang nakabuhol na dulo nito na dahilan kaya nabitawan nya ang baril nya.

Agad ko syang tinakbo at ipinulupot ang lubid sa leeg nya.

"Papatayin kitang hayop ka!"

Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakabuhol sa leeg nya hanggang sa malagutan sya nt hininga.

Pagkabagsak ng katawan nya ay nakita ko si Zora na hinahabol ng isang manlalaro, tumatakas ba sya?

Hindi, niyakap nya ako ng makalapit sya sa akin.

"Anong nangyare, ayos kalang ba Axelle? Nasaan si Josephine?"

"Iniligtas nya ako."

Matipid kong sabi, bumitaw sya sa pagkakayakap at galit na hinarap ang babaeng humahabol sa kanya.

Nakita kong dalawa ng grupo ang natanggal, ang Hippo at ang Eagle.

Pumasok ako sa classroom kung saan nandoon si Josephine. Tinignan ko kung humihinga pa sya pero huli na ang lahat. Nabawasan nanaman kami ng isa.

Muli akong lumabas sa room upang tulungan sana si Zora pero paglabas ko, nakasaksak na ang kutsilyo nya sa ulo ng kalaban nya. Ambilis nya.

Hinugot nya ito kasabay ng pagtunog ng siren na ibig sabihin ay times up.

Naglapit sa amin ang mga kagrupo namin.

"Panong nangyaring hindi tayo natanggal?"

Nagsalita si Cedrick.

"Pinatay ko ang isang eagle bago pa mabaril si Josephine."

Hindi namin alam kung mag cecelebrate kami o ano, basta ang mahalaga makalabas kami. Nangako pa naman ako kay Alexia, binigo ko sya.

"Sasabihin ko to kay Alexia."

Suhestiyon ko.

"Wag muna Axelle, nagpapagaling palang sya. Baka makasama sa kanya."

Sabi naman ni Zora habang nililinis ang kutsilyo nya.

"The remaining teams are the Raven, Jagguar, Shark, Crocodile, Lion and Fox. Congratulations! Prepare your selves tommorow, Seek and Kill."

****Zion****

"Bakit mo pa kasi sila hinyaang makapasok?!"

Sermon sa akin ng mga kagrupo ko na akala mo kung sinong magagaling.

Hinawakan ko ang pisnge ni Jayrond.

"Nag-iisip ka ba? Kung hindi ang Fox, sa tingin mo may ganda pa ang larong ito?! Sila lang, tanging sila lang ang may kaya upang mapaganda ang larong ito."

Sabay bitaw ko sa kanya.

Napa-isip silang lahat at sumang-ayon. Akalain mong mabilis mapaniwala ang mga gonggong na to.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now