[April 30, 2019]
"Welcome to mobile legends. Five seconds 'til the enemy reaches the battle field."
napatingin ako sa gawing kanan nang magsimulang maglaro si Ethan ng Mobile Legends. Bahagya pa siyang tumingin sa akin saka ngumiti."Pahawak nga ng kamay mo. Itatry kong maglaro habang hawak ko ang kamay mo." napangiti ako.
Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalaro siya. Inaamin ko, kinikilig ako. Pero mali, kasi bestfriend ko siya. Hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya.
"Oy, Charice! Si Grace oh."
Namilog ang mga mata ko saka mabilis na humarap sa pinto nang ituro ni Hazel ang babaeng crush ko."Hala! Ang ganda niya talaga." kinikilig na sambit ko.
Oo, babae ako pero may crush din akong babae. Nilingon niya ako saka tinukso.
"Ayiieee, crush na crush mo talaga si Grace no?" nakangiting tanong niya bago ibalik ang tingin sa paglalaro.
"Oo, ang ganda niya kasi."
"Mas maganda ka, wag kang papatalo."
Napatigil ako. Hindi siya nakatingin kaya hindi niya nakitang nangamatis ako.
"Baliw!"
"Baliw sayo."
Ayan na naman siya, bumabanat na naman. Hindi niya alam, nahuhulog na ako sa kanya.
**
Wala na namang teacher, nandito na naman kami sa gilid. Nagkukwentuhan. Napangiti ako, minu-minuto niya ding hinahawakan ang mga kamay ko.
"Hindi ka ba nagsasawa?" natatawang tanong ko.
"Saan?"
"Sa paghawak sa kamay ko?"
"Bakit ako magsasawang hawakan ang kamay ng taong mahal ko?" natawa siya pagkatapos niyang sabihin ang mahahalimuyak na salita. Kinilig na naman ako punyemas!
"Ahh." kunwaring angal ko.
"Kamay mo lang naman ang paborito ko." nakangiting sambit niya na lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Charice! Si Grace, dadaan." sigaw na naman ni Hazel. Napatingin ako, napapangiti talaga ako everytime na makikita ko siya. Sobrang ganda niya. Kung lalaki lang ako, niligawan ko na siya.
"Hi!" Nanlalaki ang mata ko nang batiin ako ni Grace, kasabay no'n ang pagbitaw ng kamay niyang kanina lamang ay mahigpit na nakakapit sa kamay ko. Hindi ko na yon inintindi dahil kinikilig pa ako.
"H-hi!" kinawayan ko rin si Grace pabalik.
Ibinaling ko ang tingin kay Ethan. Nakatingin din siya sa girl crush ko. Nakangiti, dahil don nagsimulang kumirot ang puso ko.
**Pagpasok ko nang room, sinalubong niya ako. Nakangiti siya. Ngiting palagi kong nakikita. Hinawakan niya ulit ang kamay ko kaya napangiti ako.
"Ano na naman? Ang aga aga, kamay ko na naman."
"Adik na ako sa kamay mo eh." nakangiting aniya.
"Hoy kayong dalawa dyan ha, lagi nalang." Panunukso ni hazel.
Nagulat ako nang itaas niya pa ang kamay naming dalawa para ipakita kay Hazel.
"Kami na. Hahahaha joke." Namula ako. Takte ka, kinikilig ako.
Araw-araw, pinapakilig niya ako. Hindi ko alam, basta nahuhulog lalo ako. Gusto ko siya. Oo tama, gusto ko na nga siya.
Pakiramdam ko, mutual feelings kaming dahil sa routine namin. Hinahatid-sundo niya ako palagi. Palagi kaming magkasama at magkahawak kamay.