01.21.20
SS
—Liezyl Mhay DemalinaoBusy ako sa pagscroll sa news feed ko at sa pag share ng mga memes sa Facebook.
Napadaan ang pangalan ng crush ko kaya napatigil ako sa pagscroll. Nagpost lang naman siya ng picture kasama ang gf niyang si Loraine. Hmp.
"SS krux" I commented.
Napatawa nalang ako sa comment ko. Haha. SS sa kanila.
Laging gano'n ang comment ko sa mga post niya at mga shared post niya kasama ang bebe niya.
Days passed, lumitaw ang pangalan niya sa newsfeed ko. Break na sila ng bebe niya. Kinikilig ako pero nagsad react pa rin ako sa post niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang magpop up ang name niya.
Omg!!! kinabahan ako ng sobra."Sabi ng mga kaibigan mo, crush mo daw ako?" he chatted.
Halos maumpog ko ang sarili ko sa pader nang mabasa ko ang chat niya.
"Oo nga!" I replied. Sobrang manhid naman niya! Ano 'yon? Sa sobrang manhid niya pati mga comment kong 'kruxx' sa mga shared post niya hindi niya malamang crush ko siya!
"Bakit lagi mo sinasabing SS samin ng naging girlfriend ko?" tanong niya, magrereply na sana ako nang biglang magchat ulit siya. "Hindi ba masakit?"
Napatawa ako sa nabasa ko. Pfft!"Hindi! Hahaha."
"Hindi masakit? Sinasabing mong SS sa relasyon ng taong gusto mo?" tanong niya pa. Ngayon niya lang ako pinansin pero daig niya pa ang sobrang close kung magtanong.
"Hindi nga. SS nga sinasabi ko kasi gusto kong maghiwalay na kayo hahaha." nginig na sinend ko 'yon. Mahina pa akong napatawa nang mapindot ko ang send.
"Hindi ko maintindihan. Bakit mo sinasabing Stay Strong kung gusto mo naman palang maghiwalay kami?" nagtatakang tanong niya.Mabilis naman akong nagtipa sa cellphone ko.
"Anong Stay strong? Hindi stay strong ang meaning ng SS para sakin, kruxx!" napahagikgik ako nang maimagine ko kung gaano kagwapo kumunot ang noo ng crush ko.
"Huh?"
"Separate Soon!" mabilis kong reply sa kanya. "Ngayon natupad na yung laging comment ko."