01.20.20
I was reading a book when I heard familiar voice. My head automatically raised at hinanap ang pinanggagalingan ng boses na 'yon. And there, I saw him. Namimili siya ng librong babasahin niya. Napangiti agad ako, tatawagin ko sana siya ngunit nanatili nalang akong tahimik.
"Moavi, flowers for you." He said, saka inabot sa akin ang isang sunflower.
Tinanggap ko naman agad 'yon saka siya nginitian."Thank you, Chaze!" masayang ani ko.
It's been a year.
Matagal tagal na rin pala kaming hiwalay. I broke up with him because he was not focusing on his study. Nasa akin nalang nakatutok lahat ng atensyon at oras niya. Ayoko no'n. Ayokong masira ang pangarap niya."Saan tayo pupunta?" I asked.
"Sa buwan. Samahan mo ko sa buwan," he said. I chuckled nang marinig ko 'yon.
Napailing iling nalang ako nang maalala ko ang mga bagay na 'yon.I continued reading. Hindi ko na ulit siya muling tinapunan ng tingin.
"Pwedeng makiupo?" And there, I saw him sitting beside me while smiling. Doble ang kaba ko. Yung nararamdaman ko noon, ni wala manlang pagbabago ngayon."Makakatanggi paba ako?" mahinang sambit ko saka iniwas ang tingin sa kanya.
Nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis ko siyang nilingon at naguguluhang tinignan."I missed you," he whispered.
"C-Chaze?" I almost stuttered. Mukhang tulog pa ang mga cells ko kaya hindi ko magawang mag-react.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko nang sinubukang ko 'yong tanggalin.
"Moavi, I missed you. Hindi ba sinabi ko hindi na ako ulit maggi-girlfriend kung hindi rin lang ikaw? Magpapari na lang ako." he said monotonously. Ngumiti ako sa kanya.
"Hihintayin kita diba? Kahit gaano pa katagal." dagdag niya pa saka ako nginitian bago halikan ang kamay kong mahigpit niyang hinahawakan.
"Moavi, huy! Bawal matulog dito sa library." Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtapik sa aking mukha. Pinandilatan pa ako ni Shiela saka umayos ng upo.
Ah, panaginip. Panaginip lang pala lahat. Napanaginipan ko ang mga pangako niya sakin noon. Inilibot ko ang paningin ko, saka mapaklang natawa.
I saw him handling a book while staring at the girl beside him. Ah, his new girl.
Gusto kong matulog ulit.
Kung sa panaginip lang kita makakasama ulit, gusto kong matulog na lang.Tapos na pala, para kaming isang libro. May hangganan, may katapusan. Isang librong kailangan nang isara dahil tapos ng basahin at tapos na ang kwento.